MUKHANG sobra ang pangangatog ng Malakanyang sa pansamantalang pagpapalaya ng Korte Suprema kay Senador Juan Ponce-Enrile (JPE) kamakailan. Bakit po?
Sabi ni Justice Sec. Leila de Lima, ang desisyon daw ng Supreme Court ay nagdala sa ating bansa bilang BANANA REPUBLIC?
Wow ka, De Lima!
Tumorotot naman si Malakanyang spokwa Abigail Valte na kailangan daw rebisahin ng SC ang desisyon dahil sa batayan na “humanitarian” na dahil diyan, lahat daw ng IPINAKULONG NI BENIGNO AQUINO ay makalaya?
Una, sino ba ang bumastos sa Supreme Court?
Hindi ba itong rehimen ni Don Benigno Aquino III nang payagan ng korte si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Congressman Gloria Macapagal-Arroyo na magpagamot noon sa ibang bansa? Say mo, De Lima?
Ang kaso niyang plunder ay ang paggastos ng PCSO ng P358-milyon na nagpalaya sa libo-libong OFWs na nakakulong sa Kingdom of Saudi Arabia noon, kasama ang ilang OFW na bibitayin na sana. Lumaya sila!
Pinayagan ng korte ni Aquino ang mga opisyal ng PCSO sa ilalim ni CGMA noon pero bakit ayaw payagan ang dating Pangulo sa pareho rin na gawa-gawang kaso?
Si Senador JPE ay inakusahan ng Malakanyang ng korapsyon batay sa Priority Development Assistance Fund-Disbursement Acceleration Program scam ni Janet Lim-Napoles. Kasama niyang nakulong sina Senador Jinggoy Estrada at Bong Revilla.
Okay lang ‘yun. Pero papaano ‘yung marami pa na inalis mismo ni De Lima sa hard drive ni whistleblower Benhur Luy? Maski tanungin at sana hindi matakot si Atty. Levi Baligod na unang abogado ni Luy. Mas marami at mas malaki ang HINAKOT, NAHAKOT ng mga kaalyado ni G. Aquino sa PDAF-DAP scam!
Tama ang hirit ng ibang grupo na bago ang batayan ng Supreme Court na “humanitarian considerations” na nagpalaya kay JPE at posibleng sa nalalapit, kay Cong. Gloria Macapagal-Arroyo, et al.
Tayo mismo ay matagal nang nananawagan na palayain ang mga BILANGGONG PULITIKAL, kasama ang mga matagal na dapat pinalayang bilanggo dahil tapos na ang termino ng kanilang kaso.
Pero tangang kawali lamang ang rehimeng Aquino.
Masakit talagang tanggapin ang isang bagay na ayaw mong mangyari pero naganap. Sabi nga, “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong mangyari sa iyong sarili.”
In short, ‘yung ginawa ninyo kina CGMA, JPE ET AL ay unti-unting bumabalik sa inyo riyan sa Malakanyang.
Banana Republic ba, Ms. De Lima? Nakatatakot ba Abigail at sa boss mong si Noynoy? BALETODO/ED VERZOLA
