Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

REBELYON NG MGA OFW

$
0
0

SI Annie ng 20-taon na sa London ay mahilig mamili ng segunda mano na mga personal na gamit mula sa mga tiangge doon. Namili ng mga bag, sapatos, damit at naglagay ng mga tsokolate’t delata para ibigay sa kanyang pamilya dito sa Pilipinas. Ang halaga ng napamili niya ay katumbas ng P6-libo pero ng taryahin ng taga-Customs ay pinagbayad ang anak niya ng P8-libo dahil higly taxable items daw ang laman ng kanilang bagahe?

Si Miles ay namili rin sa tiangge sa Amerika. Binilhan niya ng tig-isang pantalon ang asawa’t anak. May mga nagregalo rin sa kanya ng pinaglumaan pero magaganda pang damit at bag. Ipinadala rin niya ang dalawang cellphones na luma. Nang kunin ng kanyang asawa sa post office, pinagbayad siya ng P7-libo dahil taxable raw ang laman?

Si Robert ng Saudi Arabia ay nagpadala ng bagahe. May laman na lumang sapatos na Nike na napulot sa basurahan at ilang pigurin na tatak Arabo. Kasama ang ila pang damit at pagkain, pinagbayad din!

Si Lorena ng Japan ay mahilig mamulot sa Japan. Doon, kahit bago pa sa ating tingin, luma na sa mga Hapones. May mga laptop, gadget at cellphones na pawang mga pulot. Sinamahan na ito ng mga bag at damit at pagkain. Dahil sa sa gadgets, pinagbayad ang kapatid dito ng halos P10-libo!

Ilan lang sila sa nagsumbong sa atin. Wala pa ‘yung utos ng Customs ngayon na bubuksan lahat ang padalang balikbayan boxes para malaman kung mayroong mga taxable (raw) na laman ang mga kahon.

SIRA-ULO marahil ang nakaisip ng bukas-balikbayan boxes o sadyang MATAKAW, SUWAPANG o bahagi ng Malacañan OPLAN: 3-BILYONG CAMPAIGN FUND!

Tama BA, RESIGNED boc Commissioner John Philip Sevilla?

Sinimulan ng DOTC ang pambabastos sa OFWs. Pilit siningil ang travel tax na hindi na naman dapat bilang bahagi ng pagkilala sa KADAKILAAN AT KABAYANIHAN NG OFWS! Refundable daw? Kung ang OFW ay nasa ibang bansa na? Malinaw na HOLD-UP!

Sa Magna Carta for OFWs and Migrants, tax-free ang uwi ng OFWs. Pero ninanakaw pa rin ang mga gamit na padala kung hindi man sinisingil ng buwis!

Naiisip kaya ng Malacañan na ang isang poste ng katatagan ng ekonomiya ay kontribusyon ng OFWs at Migrante? Kaya nga tinawag silang mga BAGONG BAYANI!

Nagkakaisa ngayon ang OFWs at Migrante para sa kaalaman ninyo riyan sa Malacañan. Ano ang gagawin ninyo sakaling mabuo ang REBELYON NG OFWs AT HINDI MAGPADALA NG MONTHLY REMITTANCES nila?

Kapag nangyari iyan, Mr. Aquino at mga taga-Liberal Party, kayo ang papatay sa ekonomiya ng bansa! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>