LIBRENG serbisyo sa mga mamamayan ng Quezon City ang hatid ng “Caravan of Services” na proyekto ng pamunuan ni Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista.
Kaya nga upang maraming mabiyayaan ng serbisyo na pinangangasiwaan ni Chief-of-Staff Jesus Mari Marzan, ilalapit ito nang todo sa mga mamamayan sa Bgy. Masambong at mga kalapit na lugar na sakop ng District 1 sa Setyembre 5, 2015, Sabado.
Katulong ni Marzan sa proyekto ang kanyang assistant na si Rita Ongkiko at mga kasama at maging ang mga chairman ng iba’t ibang barangay.
Daang libo na ang nabiyayaan ng serbisyo ng “Caravan of Services” na napapalooban ng Medical at Dental Mission, eye check up/optical, feeding program, wheelchair and cane distribution, assistance to Persons with disability or PWD, Social Security System/PHILHEALTH inquisition, livelihood program at clean-up drive.
Bahagi ng serbisyong medical ang X-ray at ultra sound na ipagkakaloob nang libre ng proyektong pinagtutuunan ng pansin nina Mayor Bautista at COS Marzan.
Kabilang pa sa mga proyektong ipinakakalat ng administrasyon ni Mayor Bistek ay ang disease prevention kaya naman suportado ng bawat barangay ang anti-rabies project kaya naniniwala ang pamunuan ng actor-politician na matutupad ang “End Rabies 2016.”
Bukod sa PWDs, suportado rin ng alkalde ang senior citizens kaya meron ding proyektong issuance of senior citizens ID and booklet para makamtan ng mga 60-years old and above ang mga benepisyong laan para sa kanila.
Sa mga barangay, marami ring nakikinabang sa libreng gupit ng proyekto ng pamahalaang lungsod.
Totoong napakaraming serbisyong ipinagkakaloob ng pamunuan ni Mayor Bautista mula nang magkatulungan sila ni Marzan sa pamamahala ng lungsod. PAKUROT/LEA BOTONES
