Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PNP’S TALL ORDER TO THEIR MEN, BUT…

$
0
0

PAG-UPO sa puwesto nina PNP Chief Director Ricardo Marquez at NCRPO Acting Regional Director Joel Pagdilao ay todo-palakpak tayo.

Bakit hindi, eh, kilala natin silang magtrabaho lalo na si Kuyang Ric?

Sumasabog sa ere ang kanilang direktiba sa kanilang mga tauhan at kabuuan ng Pambansang Pulisya.

Back to basics. Buhayin ang beat patrol, buddy-buddy system at kailangan ay nakikita ang mga pulis sa mga mataong lugar at pangunahin na mga lansangan.

Sa loob lang ng ilang linggo, marami na ang nahuling kriminal katulad ng bus robbers at kalawit gang. Meron din mga nasyut na mandurukot at salisi. Sana tuloy-tuloy ang dalangin natin.

Lamang, nitong mga nagdaang linggo rin, totoo na may tinoka na mga parak sa matataong lugar tulad sa mga palengke at malls. Meron din sa masisikip na daluyan ng trapiko. Nasa kanto ang mga mobile patrol.

Pero teka, Tsip Marquez at RD Pagdilao Sirs. Mukhang lumambot na uli ang atensyon ng mga hepe nila! Hayun ang mga pulis sa kinatokahan na puwesto pero matapos ang head count, nawawala sila. Hmmm.

Hayun ang ilan nasa loob ng malls, nagpapalamig dala ng aircon. Hayun pa sa loob ng convenience store at nagpapalamig din. Hayun ang iba, nasa labas nga ng binabantayang establisyimento pero teka, mukhang walang katapusan ang kanilang pakikipag-UNLI TEXT?

Opo, mga Sir. Wala silang patid sa pagpindot ng selpon, halos lahat sila, may KATEKS AT KATOK!

Wala nga naman makapormang kriminal sa kanilang erya pero ang tindi naman ng daloy ng trapiko dala ng mga walang disiplinang motorista, pampubliko at pribado, wala ba silang pakialam doon, mga Sir?

Marami rin tayong naiikutan na kanto at nandun nga ang mga police mobile cars pero wala sa paligid ang mga pigoy? Tanging ‘yung mobile patrol na walang tigil ang pag-ikot ng kanilang pansirenang ilaw. Yes, yes shooo!

Your tall order to bring back the trust of our people to your police force is great. A timely one. But it seems walang paki ang mga lower rank policemen.

Try to see them at random mga Sir and see for yourselves how ineffective they are in their assigned AORs.

Naalala ko tuloy yung magandang project ng PNP leaders noong 2002.

Professionalize PNP personnel and all undergraduates were ordered to get their diplomas. They were given big chances and lo they did it. So PNP became professionals and gigantic problem arose.

Kasi, alam na ng mga “propesyunal na pulis” ang 8 hour work day and in excess dapat may overtime pay!

Ayaw na rin nilang mag-drive o mautusan paglagpas sa oras ng serbisyo kahit mahalaga pa ang misyon na dapat gawin kontra kriminalidad.

Let your tall order reign! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>