“MAGKAISA sa pagresolba ng problema.”
Ito ang panawagan ni MMDA Ch. Francis Tolentino para sa paghahanda sa ikakalat na 96 miyembro ng PNP-Highway Patrol Group sa mga piling “chokepoint” sa EDSA.
‘Hindi raw ito ang tamang panahon ng pagsisisihan kundi magtulungan tayo para maresolba ang problema,’ ani ni Tolentino.
Bago ito, nagpakalat na ang Malacañan ng PNP-Highway Patrol Groups para tulungan ang MMDA sa pagmamando ng trapiko sa EDSA sa anim na chokepoints sa kahabaan ng EDSA, kabilang na ang Balintawak, Cubao, Ortigas, Shaw Blvd., Guadalupe at Taft Ave. simula sa Lunes.
Ang ibang MMDA na nakatalaga sa EDSA ay ilalagay sa mga masisikip ang trapiko tulad ng Quezon Ave., Roxas Blvd. at Taft Ave. Sisikaping tutukan ang problema sa trapiko ng magiging inter-agency coordinators mula sa MMDA at PNP, DSWD, Office of the President at iba pa.
Ayon pa kay Tolentino, inaasahan na makatutulong ang HPG para disiplinahin at pasunurin ang mga motorista sa mga patakaran.
Ang bagong hakbangin daw na ito ay bahagi ng paghahanda para sa APEC Summit kung saan maraming delegado ang daraan.
BAKIT NATUTULOG ANG MGA KASO SA PISKALYA?
Ito ang huling karugtong ng usapang ng justice delayed, justice denied sa hudikatura.
Para maipakita na may mga ebidensya sa reklamo, humiling ang lessee sa Mandaluyong RTC Branch 209 ng search warrant upang ma-search ang barangay hall ng Sto. Domingo at bahay ni Ch. Yun sa Kaliraya St., Quezon City na binabantayan ng Defcon One Securiy and Detective Agency.
Sa bisa ng Search Warrant ay muling nag-search ang NBI at nakita sa Defcon Office ang motorcycle at rubber boats at iba pang mga gamit ng lessee, gayundin ang iba pang gamit sa bahay sa Kaliraya St., QC.
Ang masakit, hindi raw ibinigay ng Defcon ang mga hinahabol na item nito dahil hindi raw ito kasama sa SW list na positibong itinuturo naman nito na kanya at kasama sa ginawang inventory.
Nang balikan ng NBI ang mga ito at ipinakita ang mga litrato ay ibinalik ito ni Yu pero puro depekto o sira-sira na.
o0o
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA