SA opisina ni Manila Vice Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, mahigpit ang screening bago makapasok sa kanyang mismong silid tanggapan.
Kelangan, masinsinang pag-uusap muna sa nangangailangan ng tulong ang ginagawa ng mga tauhan ni VM Isko Moreno bago palapitin sa ikalawang ama ng lungsod.
Minsan, hindi naiintindihan ng mga nangangailangan ng tulong ang dahilan kung bakit kailangan ng matinding interview bago sila bigyan ng pagkakataon na makausap si VM Isko.
Pero, sa antas pa lang ng kanyang mga nakatalagang tauhan ay nireresolba na basta kaya.
Inilalapit lang kay Vice Mayor kapag talagang kailangan ang desisyon nito.
Kaya iniisip ng marami na namimili si VM ng tutulungan.
Kahit ang PAKUROT noong una ay iyon ang iniisip – mahirap lapitan ang actor-politician.
Ilang beses na rin kasi kaming nag away na negosyo ko ang naapektuhan.
Iyon ay dahil sa pagtulong niya sa nangangailangan.
Hindi ko kasi maintindihan kung bakit kelangan niyang sagutin lahat minsan ang gastos o hinihinging tulong sa kanya.
Ngayon naintindihan ko sa pag-analisa sa ugali ni Isko Moreno na kaya pala hindi siya agad pinalalapitan ng kanyang mga tauhan ay dahil “pusong mamon” itong kanilang amo.
Ito palang opisyal na ito ng Manila City Hall na galing sa hirap na kaya narating ang tagumpay ay dahil sa pagsisikap at pagpupursige ay masyadong maawain na halos madurog ang puso kapag iniiyakan na.
Sa totoo lang, ilang beses na rin naman kaming nag-away nitong si Moreno dahil sa kagustuhan niyang makatulong sa totoong mahihrap na residente ng Maynila. Ilang beses na ring umiyak ang inyong lingkod sa pagtulong ng ikalawang ama ng Maynila sa kanyang mga constituent.
May mga pagkakataon pala na walang hawak na pera si VM kaya ang inyong lingkod ang tinatamaan dahil alam niya na maiintindihan ko siya. Kaso, sarado ang isip ko, basta ang alam ko nalugi ako dahil sa kanya.
Noong nakaraang linggo, lumapit sa kanya ang ina ng tatlong batang pinatay ng kanilang ama.
Walang-wala ang ina ng mga bata kaya bunot na naman sa bulsa ang ikalawang ama ng lungsod.
May mga tutulong sa ina ng bata, subalit sa pag-iyak pa lang ng ina ng mga bata ay hindi na kinaya ng puso at kalooban ni VM kaya pati paglilibingan ay sinagot na rin niya.
Ang totoo, walang hawak na pera si Moreno ng mga oras na iyon nang lumapit ang ina ng mga bata kaya may tinawagan pa siya para manghiram ng pera.
Grabe ka VM Isko! Makatulong lang sa mga talagang nangangailangan ay handa kang magsakripisyo.
Samantalang ‘yung nagyayabang na sila ang tutulong sa pamilya ng mga batang pinatay ay sila pa ang nanggigipt.
Hindi ho ba, Brgy. Chairman Bomber? PAKUROT/LEA BOTONES
