Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MA. FE AGUNDO MAY KASO SA NLRC

$
0
0

SI Ma. Fe Agundo ay presidente at chief executive officer ng Hyundai Asia Resources, Inc. or HARI.

Kinasuhan si Agundo ng “constructive dismissal” sa National Labor Relations Commission (NLRC) ni Rossana Espiritu-Caganap nitong Hulyo 24, 2015. Isinampa ni Espiritu-Caganap ang kaso at may kaugnayan sa iligal na pagsibak sa trabaho, pandarahas, at pananakot umano sa kanya ni Agundo.

Inakusahan din nito si Agundo nang pwersahang pagkumpiska ng laptop computer niya.

Batay sa rekord ng HARI, si Espiritu-Caganap ay nagtrabaho sa HARI simula pa noong 2001. Mula sa simpleng empleyada ay narating ni Espiritu-Caganap ang pagiging vice-president for finance ng HARI.

Ang pamamalagi nito sa kumpanya ng 21 taon ay ebidensiyang maliwanag pa sa sikat ng araw na nagtrabaho siya nang maayos at epektibo. Ngunit, nagulat at lubos na nadismaya ito nang sibakin siya ni Agundo nang wala sa tama at ligal na proseso.

Idiniin ni Espiritu-Caganap sa kanyang reklamo sa NLRC na siya ay lubhang na-trauma sa desisyon ni Agundo. Nitong Hulyo 16, itinakbo siya sa St. Lukes Hospital sa Bonifacio Global City dahil hinimatay siya dulot ng “stress-related hypertension.”

Pagkatapos makalabas sa ospital ay sinabihan siya ni Agundo na magbitiw na ito sa trabaho dahil “weak and not up to the job” siya. Idiniin umano ni Agundo na kung hindi magbibitiw si Espiritu-Caganap sa trabaho ay babawasan ang sahod nito at ibaba ng puwesto mula sa pagiging vice president for finance.

Para mapwersang magbitiw sa trabaho, inatasan pa umano ni Agundo ang isang guwardiya na sundan si Espiritu-Caganap saanmang lugar sa HARI pumunta ito.

Ibinunyag din ni Espiritu-Caganap na nawala ang laptop na ibinigay ng HARI sa kanya.

Ayon kay Espiritu-Caganap, napakahalaga ng laptop na ‘ninakaw’ sapagkat isa sa mga laman nito ay ang financial report ng kumpanya.

Ngunit nang banggitin ni Espiritu-Caganap sa Human Resources Department ng HARI ay nagulat siya at hindi man lamang nabigla ang mga opisyal ng nasabing dibisyon.

Naku, masama ito.

Dahil dito, kagyat na iniulat ni Espiritu-Caganap ang pagkawala ng laptop sa Taguig Police Station ng Bonifacio Global City.

Ayon kay Espiritu-Caganap, nagsimula siyang ‘dahasin’ at ‘takutin’ at ‘walanghiyain’ ng kampo ni Agundo nang magbitiw sa posiyon ang kanyang hepe na si Gener Gatchalian noong Enero.

Ang finance department ng HARI ay direktang nag-uulat sa may-ari ng kumpanya na si Richard Lee simula pa noong 2001, ngunit tila ayaw ito ni Agundo. Naku, masama ito.

Umaasa si Espiritu-Caganap na makakamit niya ang katarungan sa NLRC.

Lubos na sumusuporta ang Partdo Manggagawa (PM) partylist na pinamumunuan ni Renato “Ka Rene” Magtubo kay Espiritu-Caganap.

“Huwag kang susuko Rossana Espiritu-Caganap!” saad ng hepe ng PM.

XXX
Problema at reaksyon n’yo, itawag sa: 09985650271 o mag-email sa: akosibadilla@yahoo.com o bisitahin ang: NSBADILLA.BLOGSPOT.COM BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>