Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PAGKAMAKATAO NG KORTE SUPREMA PANGMAYAMAN LANG

$
0
0

MAKATAO raw ang Korte Suprema kaya pinayagang makapagpiyansa si Senador Juan Ponce Enrile sa kaso nitong umano’y pandarambong ng pera ng taumbayan.

Ito Ang Totoo: sa isang pangkaraniwang empleyado ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), wala ni hibla ng pagiging makatao ang ginawang desisyon ng Korte Suprema.

Plunder o malawakang pagnanakaw ng salaping-bayan ang kaso ni Enrile kaugnay ng PDAF Scam na kinasasangkutan ng bilyong-bilyong pisong salapi ng bayan.

Sa paghahambing, P172-million umano ang kinulimbat ni Enrile samantalang ang SBMA employee na si Dante Salvaña ay hinahabol ng Commission on Audit (COA) sa halagang P542,640 kaugnay ng nawalang still at video cameras ng kanilang departamento noong 2011.

Hindi tulad ni Enrile na akusado ng pandarambong, hindi akusado si Salvaña ng pagnanakaw, nakakarga lang kasi sa kanya ang “accountabillity” ng mga nawala dahil hindi pwede ang kanilang head na si Elizabeth “Bet” Marcelo na “consultant” lamang at wala sa plantilya ng ahensiya.

Kaya kahit maraming gumagamit ng photo at video camera ng kanilang departamento, si Salvaña ang pinapirma sa dokumento.

May “suspect” naman sa pagnanakaw ng video at photo equipment na kinasuhan sa Olongapo City Prosecutors’ Office, si Alam Bernadeth Z. Tabaza na ina ng live-in partner ni “Bet” Marcelo.

Hindi awtorisado sa loob ng SBMA Media Production Department (MPD) ang hilaw na biyenan ni Marcelo pero parati umano ito roon dahil “manugang” naman siya.

Nakatengga pa sa Department of Justice (DOJ) ang “petition for review” ng kaso laban kay Tabaza pero pinagbabayad na ng Korte Suprema si Salvaña.

Dahil sa desisyon ng Korte Suprema, ibabawas ang P542,640.00 sa kakapiranggot na sweldo niya na ngayon pa lang ay kulang na para tustusan ang pang-araw-raw na pangangailanngan ng pamilya, pwera pa ang edukasyon ng tatlong anak at hindi inaasahang gastusin tulad ng pagpapagamot o pagpapa-ospital kung may nagkasakit.

Makakaltasan si Salvaña kada suweldo para bayaran ang hindi naman niya ninakaw o pinakinabangan, kesehodang magdusa siya at kanyang pamilya.

O, nasaan ang pagiging “MAKATAO” ng Korte Suprema? Tama po ba ito, Chief Justice Ma. Lourdes P.A. Sereno?

Ito Ang Totoo! ITO ANG TOTOO/VIC VIZCOCHO, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Conejos para colorear


Lagarto para colorear


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Love Quotes Tagalog


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Girasoles para colorear


Tiburon para colorear


PreSonus FireBox - handly interfaz de


Problema Quotes – Pera Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>