NANAWAGAN ang mga residente ng Angat, Bulacan kay Mayor Leo de Leon, lalo na kay Barangay Kapitan Jaime Villarama ng Marungko, Angat tungkol sa lubak-lubak na kalsada ng naturang barangay.
Aba’y, kapag nagdaan ka raw sa lugar na ito, dadaigin mo ang isang bola na tatalbog-talbog dahil sa uka-ukang mga kalsada.
Ano ba ang ginagawa nina Mayor de Leon at Kap. Villarama? Bakit kapiranggot lang na problema ng kanilang mga constituent ay hindi man lamang nila magawan ng paraan. Isang dakot kayong mga inutil.
Hehehe.
Basahin ang nilalaman ng reklamo ng isang constituent.
Magandang araw po, Ginoong Juan de Sabog.
Pakisabog naman ninyo ang barangay road na sakop ni Kap. Jaime Villarama at ni Mayor Leo de Leon.
Sobra pong nakababanas na ang kalsada ng Bgy. Marungko, Angat, Bulacan na kapag dumaan ang sasakyan mo, kung may sakay kang buntis, baka mapaanak dahil sa lubak-lubak na kalsada na inyong daraanan.
Sir, sana ay mailathala ninyo ang reklamo namin.
Salamat po.
o0o
Grabe na pala itong mga video-karera (vk) na nailatag ng tinaguriang ”VK King” na si Bong Sola sa lalawigan ng Rizal.
Nagsimula lang ang mamang magbi-vk na ito sa Antipolo City, ngayon ay hindi lang pala sa Antipolo mayroon siyang mga makina kundi maging sa San Mateo, Binangonan at Montalban.
Ewan ko ba rito kay Rizal Provincial Director S/Supt. Bernabe Balba kung bakit hindi niya ipinahuhuli ang mga vk ni Bong Sola?
Magkano ba ang tongpats niya?
SEX HINDI MASAHE SA UTOPIA MASSAGE
Puro pa rin kangkangan ang ginagawang pagmamasahe ng mga masahista sa UTOPIA Massage Clinic.
Hindi pa rin kumikilos si QCPD DD Gen. Edgardo Tinio para mapatigil ang talamak na prostitution sa nasabing massage clinic.
***
Anomang reklamo o pu-na ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA