Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SISIRAIN SI CHIZ NG KANYANG ‘HEART’ OR VICE VERSA

$
0
0

burdado- jun brionesDAHIL nahulog nang husto ang kanilang “heart” kaya maraming matitikas na lalaki ang nahulog sa kapahamakan. Sa Biblia ay nasusulat na kaya sumuway sa Diyos si Adan ay dahilan kay Eba. Si Mark Anthony, sa sobrang pag-ibig ay sumabay kaya  kay Cleopatra sa pagpapatiwakal. Si Samson, kaya naglaho ang “sobrang lakas” dahil isiniwalat ang kanyang sikreto sa minamahal na si Delilah!

En so-un, en so-port!

Inilatag natin, parekoy, ang mga paalalang ito upang mabigyang babala ang magiting na si Sen. Chiz Escudero! Sa ngayon kasi ay maigting ang mga patutsada sa kanya ng mag-asawang Ongpauco, ang mga magulang ng seksing si Heart Evangelista!

Palagi ka pa namang nasa “top” ng bawat survey sa mga posibleng mananalo (uli) sa pagka-senador sa May elections! Na kung hindi mo iingatan ang iyong relasyon kay Heart ay posibleng ito rin ang tatapos sa iyong magandang career!

On the other hand, pag pinakinggan naman natin ang pahayag ng mga Ongpauco ay mukhang si Heart naman ang gusto nilang ilayo kay Chiz sa takot na mawasak ang kinabukasan ng dalaga. Kesyo lasenggo, wala sa hulog at may kakaibang “attitude” si Sen. Chiz Escudero!

Anoman ang tunay na kaganapan sa Chiz-Heart issue, isang bagay lang ang tiyak. Kung magpapatuloy ang iringan na ito, kung hindi si Heart ang masisira kay Chiz ay si Sen. Chiz ang sisirain ng kanyang “heart.”

Pero kung iisiping mabuti, paano ko ipangangalandakan na aayusin ko ang malalaking problema ng bansa? Paano ko ipagsisigawan na aayusin ko ang mga suliranin ng aking mga kababayan? Kung ang mismong relasyon ko sa aking mga biyenan (kahit hilaw) ay hindi ko magawang ayusin? Kung talagang mahal ko si Heart ay dapat mahalin ko rin ang kanyang mga mahal!

Ang tanging dahilan, parekoy, na hindi ko kayang magsakripisyo ng ilang bagay kesehodang magbanggaan kami at ng mga mahal ni Heart. Ay kung hindi ko naman talaga mahal si Heart, at kaya hindi ko siya kayang bitawan dahil ginagamit ko lang siya!

Napakagulo na nga ng pulitika ay nahaluan pa ng buhay “showbiz.” Ano senador, nasa heart mo ba talaga si Heart o ginagamit mo lang sa iyong pulitika? Kung hindi, eh, ipaubaya mo na lang sa akin, este, sa kanyang mga magulang pala! Hak, hak, hak!!

May iba pa pong ganitong kuwento bukas, BOC Commissioner Ruffy Biazon!


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>