ANO ba itong K+12 na pilit na ipinalulunok sa atin ng nagdudunung-dunungang si Department of Education Sec. Armin Luistro?
Next year, ang bawat isang estudyante na papasok sa Grade 11 ay may budget na inilaan ang gobyerno na P17,500 at naka-voucher na.
Wow naman, hanep, mukhang sobra yata ang laki niyan para paglaanan ng ganyang kalaking budget?
Saan namang bulsa kukunin ni Brother Armin ang pondo sa ipinangangalandakan niyang K+12 sa edukasyon.
Pasok kasi nang pasok si Luistro na wala pa namang kasiguruhan kung pupwede ang K+12 sa bansa.
Basahin natin ang isang text message tungkol sa K+12 ni Sec. Luistro.
Ang K+12 next year sa bawat isang mag-aaral na papasok sa Grade 11 ay may budget ang gobyerno na P17,500 at naka-voucher na.
Papapirmahan sa concerned student ang napakalaking perang ito.
Pagkapirma, wala nang nakaaalam kung talagang nagamit nang tama ang pera.
‘Di ba maliwanag na may anomalyang magaganap dahil sa magulong sistema?
Nagtatanong lang po ako, Mr. Johnny Magalona ng Remate, bilang isang magulang.
O hayan, Mr. Sec. Luistro, pakisagot lang ninyo!
LOTTENG NI BONG JOSE PADER KAY HEPE
Sa Pasay City, kahit lantaran ang operasyon ng lotteng ni Boy Edmond na minamantine ng bata nitong si Bong Jose ay nakatunganga lang si Pasay City chief-of-police Supt. Joel Doria.
Palibhasa, malaki ang lingguhang I.N.T. (intelihensiya) na kinukuha ng nagpapakilalang kolektor ni Col. Doria sa lotteng ni Boy Edmond pero hindi ko lang alam kung nakararating kay Col. Doria ang timbre.
Biruin ninyo, ang laki ng timbre na kinukuha ng nagpapakilalang collector ni hepe kay Boy Edmond.
E, ikaw na ang tumanggap nang malaki, kahit sino ay magbibingi-bingihan.
He..he..he..he.
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
