Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

LA SALLE GREENHILLS, ABUSADO

$
0
0

MABUTI naman at plano na ring pakialaman ng Highway Patrol Group (HPG) ang pesteng trapik sa kahabaan ng Ortigas Ave. partikular sa harap mismo ng La Salle Greenhills (LSGH).

Maraming motorista kasi ang nagrereklamo na bagamat medyo lumuwag na ang sitwasyon ng trapiko sa EDSA ay nalipat naman ang problema sa ibang mga kalsada tulad ng C-5 at maging sa Ortigas Ave.

Kaya naman maganda ang plano ng hepe ng HPG na si C/Supt. Arnold Gunnacao na pakialaman na ang matinding trapik sa harap ng LSGH.

Sa napakatagal na panahon na kasi ay mistulang ginawang pag-aari na ng pamunuan ng nasabing paaralan ang kalsada sa harap nila kung saan ay ginagawa na rin itong parking ng mga motoristang naghahatid at nagsusundo ng mga estudyante roon.

Umaabot pa sa tatlong linya ang nagagamit nila kaya naman pagdating ng oras ng pasukan at sunduan ng mga bata ay hindi na gumagalaw ang trapiko roon.

Kaya nadaramay sa abala ang mga motoristang walang magawa kundi maghintay ng ilang oras hanggang lumuwag ang daloy ng trapik doon.

Sa napakatagal na panahon ay matinding trapiko na ang nakasanayan doon at dahil mayaman at maimpluwensiya ang LSGH ay mistulang pinababayaan na lang ang nasabing lugar ng lokal na pamahalaan at maging mismo ng mga traffic enforcer ng MMDA.

May mga tsismis pa nga na kaya raw malakas ang loob at abusado ang mga taga-LSGH ay dahil ‘naaayos’ naman nila ang mga namamahala ng trapik doon.

Mabuti naman at tututukan na rin sila ng HPG at ngayon ay huhulihin na rin kapag nakita silang nagtatagal at inookupa na ang malaking bahagi ng harap ng gate ng paaralan.

Plano na rin nilang hilahin ang mga sasakyan na naka-park sa paligid ng paaralan na nagiging sanhi ng trapik sa lugar.

Maganda ang ginagawang ito ng HPG at sa wakas ay may kumasa na rin sa abusadong LSGH na ito.

Sa totoo lang, kung talagang may isip ang pamunuan, ay dapat maglaan ang paaralan ng sariling parking para sa mga magulang ng kanilang mga estudyante para hindi sila makaabala sa ibang mga motorista. OPEN LINE/BOBBY RICOHERMOSO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>