Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SMUGGLING, SMUGGLER AT BOC

$
0
0

WALANDYO, ibang klase rin talaga ang mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) sa isyu ng mga transaksyon nila sa mga kliyente’t kabarkada. Lumalabas sa mga nagdaang taon at buwan, kanya-kanya sila ng kampo.

Bawal pakialaman ang isa’t isa?

Kamakailan lang, mainit ang BOC dahil sa plano nilang pagbubukas sa mga balikbayan boxes ng OFWs. Kesyo gamit daw ang mga kahon ng OFWs sa smuggling? Hayun natupi ang mga gunggong ng Customs nang humiyaw ang OFWs.

In fairness din naman sa Customs, totoo naman ang smuggling ng smugglers gamit ang balikbayan boxes. Noon pa iyan, eh. Pero alam nila kung saan galing ang mga kahon na iyon. Kadalasan ay mula lang sa Amerika. Ang siste, kapag kulang sa TARYA ang mga limatik ng BOC, hayun, bulatlatan na!

Pero katiting pa rin iyan kung tutuusin. Mismo ang mga malalaking negosyante natin ay humihiyaw na sa hindi nangyayaring maganda sa Customs lalo na ngayon sa kamay ni Commissioner Bert Lina. Para bang hindi siya sanay sa kalakaran ng cargo, eh, siya itong may mga pinakamalaking cargo handling sa bansa.

Maski nga sina dating Heneral Dellosa at Tolentino ay namamangha na sa tindi at tapang ng smugglers ngayon sa liderato ni Commissioner Lina.
‘Yun bang pag-upo niya ay sunod-sunod ang pasok ng mga iligal na bagahe’t cargo.

Ilan ang pumasok, nakapasok at hinarang kunwari na mga high end na sasakyan? Gaano kalaki ng bulto ang pumasok na bigas at kauring produktong agrikultura? Ilan ang pumasok na pekeng produkto mula China?

Lumusot lahat, magkano ang tarya?

Itong huli ay tone-toneladang asukal mula sa negosyanteng si Philip See.

Sa halip na kasuhan na dapat gawin ng Customs, aba, tila naghihintay pa ng taon na AAREGLO sa kanila para mailabas ang smuggled na asukal! Mga suwapang ina ninyo!

Hayun, buong tapang na nagpunta, hindi lumusob, ha, si dating LTO queen Virginia Torres na kababayan, kabarangay, kaibigan, kaalyado, kaututang-dila at kabarilan ni Don Benigno Aquino Tres at kunwari ay nagtanong daw kung may ibang paraan para payagang ilabas sa Customs ang asukal ng smuggler.

Mabuti na lang lumabas agad sa social media dahil kung hindi, sarap sana ang buhay ng smuggler at malamang may komsiyon ang umareglo para makalabas ang sweet sugar na iligal!

Ang tanong ngayon, bakit tila wala man lang kaso na isinasampa laban sa smuggler at, possible, laban kay Virgina “da syuter” Torres? Masama rin ang record ng babaeng ito sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita!

Don Aquino, masama ang ganyan hindi ba? Akala ko galit ka sa mga ganyan na transaksyon? BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Mga Patama Quotes and Banat Tagalog Love Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Sunny Hill - Once In Summer 2014


Lagarto para colorear


Love Quotes Tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES