Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SANGGOL NAPULOT SA BUS TERMINAL

$
0
0

MAY isa na namang sanggol na iniwan ng kanyang mga magulang, at this time ay sa isang restroom o comfort room (CR) ng isang bus terminal sa bayan ng Rosales, Pangasinan.

A week ago ay may sanggol din na napulot sa tabi ng simbahan ng BF Homes, Parañaque.

Katulad din sa sanggol na napulot sa Pangasinan, walang palatandaan kung sino ang kanilang mga magulang.

At katulad din ito ng kaso ni Grace Poe na napulot din sa isang simbahan sa Iloilo. Wala ring palatandaan kung sino ang parents niya.

Pero masaya pa rin si Grace dahil agad siyang inampon ng mag-asawang Susan Roces at Fernando Poe, Jr. (FPJ).

Sinasabi ng talunang kandidato sa pagkasenador na si Rizalito David, dating kapartido ni JC delos Reyes ng Kapatiran Party na natalo rin sa pagka-Pangulo ng Pilipinas, na si Grace ay hindi natural-born citizen ng bansa.

Ayon kay Senior Associate Justice Antonio Tirol Carpio, na hinirang ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Supreme Court, si Grace ay hindi natural-born, bagkus ay isa lamang siyang naturalized citizen.

Si Mrs. Gloria Macapagal-Arroyo (GMA) ang nagsulong din ng disqualification case laban kay FPJ nang siya ay kumandidato sa pagka-Pangulo.

Ginamit ni GMA pati ang national archives upang ipeke ang birth certificate ni FPJ.

Hindi nagwagi si Carpio at mga pro-Gloria laban kay FPJ. Sinabi ng Korte Suprema na si FPJ ay natural-born. Ito na rin kaya maging desisyon ng Supreme Court pabor kay Grace?

Ang dalawang kaso ng mga sanggol na natagpuan sa Pangasinan at sa BF Homes nitong nakaraang linggo, at pati na ang mga libo-libo o milyon-milyong batang pulot lamang ay makakuha rin kaya ng katulad na hustisya?

Sana ay mag-inhibit si Carpio na chairman ng Senate Electoral Tribunal (SET) dahil siya rin ang nagsabing si FPJ ay hindi natural-born.

Sana rin ay mag inhibit din si Senadora Nancy Binay dahil ang Binay camp ay may interes sa kaso ni Grace laban kay VP Jojo Binay. DEEP FRIED/RAUL VALINO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>