Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KUMILOS KA, KAPITAN RENATO GUTIERREZ

$
0
0

PASAKALYE muna. Sa mga makababasa ng kolum na ito ay maaaring iparating ninyo kay Taguig City Mayor Lani Cayetano na aprubahan na ang mga natitirang nag-apply ng L.A.N.I. Scholarship para sa semestreng ito dahil napalaking bagay sa mga iskolar ang perang inilalabas ng pamahalaang lokal kahit hindi kalakihan ang halaga.

Ang L.A.N.I. Scholarship ang isang dahilan kung bakit ibinoboto ng mga magulang ng mga iskolar ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig si Mayor Cayetano sapagkat isa ito sa patunay na mahalaga sa akalde ang edukasyon ng kabataan.

XXX

Noong kagawad pa lamang ng barangay si Renato Gutierrez ng Bgy. Hagonoy, Taguig City ay hindi ito makakilos nang husto dahil nag-iisang ‘maka-Lani Cayetano’ sa barangay.

Tumakbo at nanalong kapitan si Gutierrez dahil sa todo-suportang ibinigay ni Mayor Cayetano sa kanya. Lahat sila sa barangay ay ‘maka-Lani’ na. Ngunit, ngayong kapitan na ay hindi pa rin kumikilos si Renato Gutierrez.

Maraming suliranin sa Bgy. Hagonoy, ngunit hindi binibigyang-pansin ni Kap. Gutierrez tulad ng mga sumusunod: Maruming paligid lalo na sa kahabaan ng kalsada kung saan nakatira si kapitan, mga naglipanang pasugalan, madalas may nakatatakot na mga kalalakihang nakahubad sa tapat ng barangay stations (partikular sa Station 2 at Dreamland Subd.) na kung umasta ay tila mga tanod habang nakaupo pa sa mga upuang pag-aari ng barangay, kawalan ng ilaw sa green gate ng Dreamland Subd., mga kabataan at mga baklang gumagala sa alanganing oras sa gabi, mga binatilyong nagsusugal malapit sa PureGold na malapit lamang sa Bgy. Station 2, mga batang nambabato ng dyip sa M.L. Quezon St., mga tanod na hindi umiikot sa mga barangay dahil ang gusto lamang ay tumambay sa Bgy. Station at marami pang iba.

Kumilos ka Kapitan Boyet Gutierrez kung talagang mahal mo ang Bgy. Hagonoy!!! Kung ikaw ay iikot upang makibalita at makisalamuha sa mga residente, pihadong malalaman mo ang tunay na kaganapan sa barangay.

Kapitan, kung ikaw ay iikot, siguradong makikita mo ang tunay na larawan ng Bgy. Hagonoy.

Ngunit, kung madalas ang pamamalagi n’yo sa iyong tanggapan at naghihintay ka ng tawag ni Mayor Cayetano o ni Vice Mayor Ricardo Cruz, Jr. upang makipagkita sa kanila ay maihahalintulad ka sa isang bilanggong nakabartolina kung saan lumalabas lamang kung ipinatatawag ng warden.

Huwag mong gayahin ang ibang letseng mga politiko na nagpupunta lang sa komunidad kung eleksyon at kung manalo na ay tuluyan nang nalimutan ang mamamayan. Kaya, isinusuka at minumura sila.

Kapitan, kung nais mong ipagtanggol ang iyong sarili, tumawag ka o kaya si Don Joaquin. Huwag iyong may-ari ng telepono na ang numero ay 09476916295 dahil panay kababuyan ang nalalaman ng may-ari nito.

XXX
Problema at reaksyon n’yo, itawag sa: 09985650271, o mag-email sa: akosibadilla@yahoo.com, o bisitahin ang: NSBADILLA.BLOGSPOT.COM BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>