Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

OBLIGASYON NG GOBYERNO ANG INTERNET CONNECTION

$
0
0

OBLIGASYON ng gobyerno ang pagpapagawa ng mga daan at tulay upang ang mamamayan ay makapamuhay nang matiwasay.

Ito Ang Totoo: mahalaga ang mga daan at tulay upang makarating sa palengke ang mga produkto ng magsasaka, makapamalengke ang publiko at kumilos ang komersiyo.

Kahit mga “imported” na produkto, kailangan ng daan upang makarating sa paroroonan.

Maging sa pag-aaral, pagpunta sa ospital, pangangalaga ng “peace & order” at iba pa, ay mahalaga ang daan kaya nga ang pagpapagawa nito ay obligasyon ng gobyerno.

Ngayong ang panahon natin ay moderno, may “daan” na hindi nakikita pero napakahalaga tulad ng daang nakikita.

Ito ang “Internet.”

Ang ‘internet” ay daan ng impormasyon at kaalaman sa mga kaganapan, kabuhayan, negosyo, kalusugan, at marami pang iba, na tumatagos hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba’t ibang panig ng mundo at walang anoman ang pagitang malalawak na dagat at bulubundukin.

Ang hindi nakikitang daan na “internet” ay bumubuhay sa ekonomiya ng maraming bansa na kung walang “internet” ay hindi sana kasing-unlad ng kasalukuyang katatayuan.

Halimbawa ang Taiwan, bagama’t ayaw kilalanin ito bilang bansa ng “mainland China,” napakayaman na sa kabila ng maliit na lupain.

Abante kasi ito sa teknolohiya na hindi magiging posible kung mahina o walang maaasahang “internet.”

Ito Ang Totoo: sa Pilipinas, may mahigit 7-libong isla tayo, bagay na lalong nagpapahirap sa koneksyon ng mga kable para sa “internet.”

Kung hirap ang mga pribadong kompanya, dapat panghimasukan na ng gobyerno ang pagpapagawa ng daang hindi nakikita.

Ibig-sabihin, tulad ng mga tulay at “highway,” gastusan na ng gobyerno ang pagpapatayo ng pasilidad upang ang bawat mamamayan, mayaman o mahirap, ay magkaroon ng “access” o kakayahang gumamit ng”internet.”

Hindi lamang pang-Facebook, Instagram, Twitter at iba pa, ang “internet” kundi sa pang-araw-araw na aspeto ng buhay na maaaring magpaunlad sa katatayuan ng mamamayan at bansang kanilang sinilangan.

May mga lungsod sa ibang bansa na may subsidya ang gobyerno sa “internet connection” dahil alam nila at nakikita naman ang resulta, na malaking bahagi ng pag-unlad ang “internet.”

Kesa naman napupunta lang sa bulsa ng mga buwaya ang pera ni Juan, gamitin na ang bahagi nito para sa “internet” ng bayan. Ito Ang Totoo! ITO ANG TOTOO/VIC VIZCOCHO, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>