Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PC/INSP. REYNALDO ‘REY’ MEDINA, JR.

$
0
0

KUMBAGA sa alahas, si PC/Insp. Reynaldo ‘Rey’ Medina, Jr. ay ginto na hindi naluluma dahil sa kakaiba nitong angking tibay.

Ilang tulog na lang ay magpapaalam na sa serbisyo si ‘Maj. Rey’ dahil darating na ang retirement age na 56 na tadhana ng batas.

Tiyak na mami-miss niya ang kanyang trabaho bilang imbestigador na nagdala sa kanya sa sunod-sunod na promosyon.

Bagama’t magreretiro na, ang katauhan ni Maj Rey bilang talentadong police investigator ay mananatiling ala-ala sa madla.

Halos magkasabay kami ni major – ako bilang police reporter, at siya bilang baguhang miyembro ng Quezon City Police.

Maraming malalaki at sensational cases ang nilutas, ilan sa mga ito ang nagsilbing susi para maabot ni major ang kinalalagyan ngayon.

Sa dami ng parangal na natanggap, si Maj. Medina ay isa sa itinuturing nating magaling na imbestigador ng Pambansang Kapulisan.

Kulang ang espasyo natin sa dami ng award na nakuha ni major mula nang ito’y maging pulis noong Disyembre 26, 1983.

Wala akong matandaan na miyembro ng Philippine National Police na nakakuha ng dalawang national award kundi si Maj. Medina.

Siya ay unang napili ng Jaycees na isa sa ‘The Outstanding Policemen of the Philippines’ (TOPP) noong taong 2002.

At noong sumunod na taong 2003, siya ay nahirang ng Metrobank na isa sa ‘The Country’s Outstanding Policemen in Service’ (COPS).

Noong nakaraang 114th anniversary ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), siya ay nabigyan din ng award.

Sa nasabing affair ay natanggap ni Maj. Medina ang Junior Police Commissioned Officer (PCO) of the year – Investigation Category.

Dahil sa parangal na ito – at bilang hepe ng Malabon police investigation section, siya’y pinarangalan din ni Malabon Mayor Lenlen Oreta.

Pero sa kabila ng badya ng pagreretiro, ‘di nakitaan ng purol, bagkus kumikinang pa rin ang utak sa pagganap ng kanyang tungkulin.

Bilang chief investigator ng Malabon City police, aktibo at masugid pa nitong ginagampanan ang sinumpaang trabaho. CHOKEPOINT/BONG PADUA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Love Quotes Tagalog


Mga Patama Quotes and Banat Tagalog Love Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Tagalog God Quotes to inspire you


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Sunny Hill - Once In Summer 2014


Lagarto para colorear



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES