Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DAPAT NA PANGULO NG PINAS 2

$
0
0

SA naunang artikulo ay nabanggit natin ang mga dapat gawin kaagad ng bagong pangulo. Malawakang imprastraktura tulad ng kalsada, tulay, ospital, paaralan, malawakang programa ng industriyalisasyon at gawin na makabago ang gamit ng mga magsasaka.

Kapag naisagawa iyan sa unang bugso pa lamang ng taon sa kanyang pamamahala, walang duda, lahat halos ng Filipino ay magkakatrabaho at hindi na mangangarap na mandayuhan pa. Ang bawat magulang, maipadadala na ang mga anak sa eskwela at malulutas ang kamangmangan.

Ipagbawal ng bagong PRESIDENTE NG PILIPINAS ang pakikialam ng mga mambabatas sa bawat proyekto. Kapag nagpumilit silang mga politiko, tanggalin kaagad sa puwesto at kasuhan, ipakulong habambuhay.

Bigyang-laya ang mga lokal na lider ng mga lalawigan, lungsod at bayan ang paggawa ng sariling programa ngunit kailangan hindi lamang ang kanilang sanggunian ang makaaalam kundi isama ang bawat sektor ng mamamayan sa bawat partikular na proyekto.

Bago dumating sa Malacañang si Ferdinand Marcos, may kumpitensya ang mga gobernador at alkalde noon. Kanya-kanyang patayo ng eskwelahan, ospital at pati sa kaayusan ng kanilang nasasakupan. Malaya sila pero nang lumala ang pangarap ng diktador, tinuruan ang mga LGUs na sumuso sa Malacañang.

Dapat, ang susunod na PRESIDENTE NG PILIPINAS ay may sariling DISIPLINA NG KAAYUSAN AT KATATAGAN. ‘Yung hindi mangingiming pagsabihan ang mga kupal at epal na politiko. Kung matigas ang ulo, kasuhan, tanggalin sa puwesto at ipakulong!

Dapat ay bigyan ng MAMAMAYAN ng solidong suporta ang susunod na PRESIDENTE NG PILIPINAS. Huwag tayong sumakay sa mga maangal at maangas na politiko. ‘Yun bang tatakutin pa ng impeachment o kakasuhan ng human rights violations ang MATINONG PRESIDENTE NG PILIPINAS.

Magagawa iyan ng isang Pangulo kung tayong mamamayan ay titindig sa kanyang tabi. Marahas man ang estilo kung mababago naman niya ang bulok na sistemang pulitikal, samahan natin ang makagagawa ng mga iyan.

Dapat ay bigyan ng unang atensyon ang paglutas sa trapiko. Magagawa ito kapag ibubuhos niya ang paggawa ng malawak at maramihang perokaril o serbisyo ng tren. Kung ako nga lang ang masusunod, ibibigay ko lahat ang proyektong iyan sa mga kontraktor na Hapones!

Ipahukay lahat ang mga sapa at ilog laluna ang Pasig River at Laguna De Bay. Walang duda, mareresolba ang baha sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan at bayan. Gumawa ng water catch basin sa Candaba Swamp para hindi tayo mawalan ng tubig kahit tag-araw.

Ilan lang uli ito. Marami pa tayong idaragdag. Hindi baleng mabaon tayo sa utang pero nakikita ng sambayanan kung saan napupunta ang pera. Hindi tulad ngayon, nganga na, wala pa! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Conejos para colorear


Tiburon para colorear


PreSonus FireBox - handly interfaz de


Happiness Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Sapos para colorear


Lagarto para colorear


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


“Tado” Jimenez Quotes Collections Online


Tagalog Breakup Quotes


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>