ILANG babae na ba ang dumaan sa kamay ni Sen. Chiz Escudero? Marami ang nagsasabing pinaglaruan at ginamit lang ni Chiz ang mga babaeng tulad nina Tintin, Kris, Heart at ngayon naman ay si Grace Poe.
Mautak daw talaga itong si Chiz pagdating sa mga babae, lalo kung gagamitin niya ito sa pulitika.
Si Tintin, isang singer sa isang hotel ang unang “biktima” ni Chiz.
Alam niyang magagamit niya ito lalo sa larangan ng pulitika dahil sa bukod sa mabait, hindi maluho at hindi rin sosyalera. Pero marami ang nagtataka na sa kabila ng tagumpay ni Chiz sa pulitika, sa tulong na rin ni Tintin, tumabang ang kanilang relasyon at tuluyang naghiwalay ang dalawa.
Pero mabalasik talaga itong si Chiz dahil sa kabila ng kanyang bumabagsak na political career, bigla namang pumutok ang kontrobersiyang may relasyon siya sa “Queen of All Media” na si Kris Aquino. At siyempre pa, kapag nadikit ang pangalan mo kay Kris, tiyak na tataas ang propaganda value ng isang politiko.
Mautak talaga itong si Chiz. Muling nakabangon ang kanyang political career. Pero hindi iyon nagtagal nang makuha niya ang batam-batang artistang si Heart Evangelista. Ok na sana si Chiz pero dahil meron ngang masamang pag-uugali, muling lumaylay ang kanyang political career.
Galit na galit ang mga magulang ni Heart dahil sa kabastusan daw niya.
Naglalasing sa condominium ni Heart, pakuya-kuyakoy at bastos sa harap ng mga magulang ni Heart. Walang galang sa matatanda si Chiz?
Bagsak na naman ang political career ni Chiz. At napatunayan ito nang pumangatlo na lang siya sa puwesto sa halip na manguna noong 2013 senatorial elections. Dahil dito, sa kanyang mga panayam, sinabi ni Chiz na wala siyang planong tumakbo pa sa pagka-Pangulo o kahit bise.
Pero mautak nga talaga itong si Chiz. Nakakita na naman siya ng opening sa pamamagitan ng anak ni FPJ na si Sen. Grace Poe.
Dahil sa nabobola niya ang pamilyang Poe, kaagad siyang nakapasok at mabilis niyang nailagay ang kanyang sarili bilang running mate ni Grace.
Parang “queenmaker” ngayon ang damuhong ito. Kaagad niyang napaamo si Grace at sinusunod ang lahat ng kanyang advice sa pulitika.
Ngayon ay masayang-masaya si Chiz dahil sa gamit na gamit niya si Grace. Walang alam si Grace na sa sandaling masipa siya sa mga DQ case na inihain laban sa kanya, si Chiz ang makikinabang.
Tintin, Kris, Heart at Grace, apat na babae, lahat sila ay nagamit. KANTO’T SULOK/NATS TABOY