Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

UNA SA LAHAT, ANG MGA BOSS

$
0
0

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEBPANIBAGONG mga opisyal at mga alagad ng batas ang napadagdag sa halos 150,000 kapulisan na nagsisilbi sa bayan sa pagtatapos ng mahigit 250 miyembro ng Tagapamagitan Class of 2013 ng Philippine National Police Academy sa Camp Castañeda sa Silang, Cavite noong Biyernes.

Masaya si Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang pagtanggap sa mga bagong magseserbisyo sa pamahalaan na para sa kanya ay mga bagong pag-asa ng henerasyon ng mga tagapagpatupad ng batas, kapayapaan at kaayusan.

Tama ang ginawa ni Pangulong Noynoy na paghamon sa mga ba-gong nagtapos sa PNPA class 2013 sapagkat hindi dapat tularan ng mga ito ang mga nasangkot sa ilang kaguluhan at katiwalian na sumira sa magandang programa hinggil sa pagbabago ng gobyerno.

Maganda ang ginawang paghikayat ni PNoy sa mga bagong inspector ng PNP, Bureau of Jail Management and Penology at Bureau of Fire Protection sapagkat dapat gawin ng mga ito ang mga aral na itinanim sa kanilang isip at puso ng institusyon na  kanilang  naging tahanan sa loob ng apat na taon.

Higit sa lahat, hinamon sila ng Pangulo na tahakin ang “daang matuwid” upang hindi sila maligaw ng landas.

Kailangang sila mismo ang magsimula ng pagbabago upang maging huwaran sila ng mga susunod na henerasyon bukod pa sa tuloy-tuloy na paglilingkod sa kanilang mga “boss” – - – ang mamamayang Filipino upang hindi maging bigo ang mga ito sa kanilang inaasahan sa mga bagong opisyales ng PNP.

Ano nga ba ang dapat gawin ng mga bagong nagtapos na ito sa PNPA upang hindi nila mabigo ang kanilang mga boss?

Sabi ng isang ordinaryong mamamayan, magsilbi sila ng totoo sa bayan ng walang halong pag-iimbot at pagiging gahaman. Sa madaling salita, hindi sila dapat masilaw sa kinang ng salapi.

Maging kuntento sila sa kanilang sahod sapagkat kung kukuwentahin ay maayos na-man ang suweldong ipinagkakaloob sa kanila ng pamahalaan.

Marami ang nagsasabi na kulang subalit ang totoo ay isa ang mga pulis sa may pinakamaayos na sahod.

Nagkukulang lang dahil nga ang iba ay narahuyo sa luho at natutong magbisyo tulad ng alak, babae at sugal.

Hindi naman masama ang magbisyo basta naaayon sa kakayahan mo at di napapabayaan ang trabaho at pamilya.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>