Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

1ST AT 2ND DISTRICT NG LAGUNA, LAWAK NG BOOKIES

$
0
0

HALOS sa buong 1st District at 2nd District ng lalawigan ng Laguna ay talamak ang operasyon ng bookies ng Small Town Lottery (STL) nina Dante Alvarez at Nato.

Kontrolado at minamanipula nina Dante Alvarez at dating pulis na si Nato O. ang operasyon ng bookies ng STL mula sa 1st District (Biñan, Sta. Rosa, San Pedro) at 2nd District (Cabuyao, Calamba, Los Baños) ng lalawigan ng Laguna.

Ang mga bayan na ito o distrito ang pugad ng mga iligal na bookies ng STL ng mag-tandem na Dante Alvarez at Nato O.

Walang sinomang operator ng bookies ang basta na lamang papasok sa mga distrito o bayan na ‘yan nang hindi magpapasintabi kina Dante Alvarez at Nato O.

Dahil ang mga operator na ito ang siyang binigyan ng basbas ng umano’y mga bata ni Laguna Gov. Ramir Hernandez na may hawak sa lahat ng iligal na bookies.

Halos lahat ng mga bayan at siyudad sa 1st at 2nd District ng lalawigan ay may STL na ang kinikilala ngang mga operator ay sina Dante Alvarez at Nato.

Malaki raw ang ibinigay na goodwill ng dalawa sa mga bata ni gob bukod pa sa weekly collection.

Ang matindi pa rito, walang magawa ang mga chief-of-police at station commander ng bawat bayan dahil sa nakadirekta umano ang dalawa kina gob at PD Supt. Florendo Saligao. Ay naku po!

PAIHI PADER SA BATAAN, MAYOR INUTIL

Patuloy pa rin ang operasyon ng paihi nina Bogs at Violago sa Bgy. Toyo, Limay, Bataan.

Araw at gabi ang pagpapaihi nina Bogs at Violago sa warehouse nila na kakutsaba ang mga driver at pahinante ng mga oil delivery tanker.

Ewan ko ba kung bakit hindi kumikilos si Limay Mayor Lilvir B. Roque sa lantarang pagnanakaw ng petrolyo nina Bogs at Violago. Bakit nga ba mayor hindi kayo kumikilos?

o0o
Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>