ANG akala ko, sa mga paihi operator at mga truck driver ng mga delivery oil tanker lang nangyayari ang pagpapaihi sa produkto ng mga gasolina at krudo.
Maging sa Department of Public Works and Highways (DPWH)-Catanduanes ay uso rin ang pala pagpapaihi sa krudo.
Totoo man o hindi ang sumbong sa atin ng ating impormante dapat ay imbestigahan ito ni DPWH Sec. Rogelio Singson.
Basahin natin ang nilalaman ng ulat na itinext sa atin:
Good day, Mr. Juan de Sabog. Dito sa Catanduanes, uso rin ang paihi ng krudo sa DPWH. Halimbawa kung 100 liters ang issue sa isang dumptruck, ang 50 liters ay ibinebenta ng drayber.
Bale pinepera na nila. May nakaabang na bumibili sa kanila. 50/50 ang laban. Ewan natin kung alam ng district engineer ang gawain nila.
Ang alam ko ayaw ni Sec. Rogelio Singson ng magnanakaw sa ahensya niya.
Pati sa D.E nila. Maraming salamat po!
PERYA SA NE ‘DI PADER KAY MAYOR
Sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, lalong-lalo na sa Brgy. Vijandre ay may perya na puro sugal ni alyas Tanto.
Sa Bgy. Sambermicristi naman ay kay Emily at sa Crossing ay peryahan naman ni Lita Verances.
Hindi kumikilos si Cabanatuan Mayor Julius Ceasar Vergara para mapahinto ang peryahan na puro sugalan.
Kawawa naman ang mga kabataan dito dahil sa murang isipan nila ay nalululong ang mga ito sa sugal at paggamit ng iligal na droga.
VK SA CALAMBA, SPOILED KAY MAYOR
Sa Calamba, Laguna nakalatag pa rin ang sandamukal na video-karera (vk) ni Rico ng Taytay, Rizal. Nakatunganga lang si Calamba Mayor Timmy Chipeco sa nakalatag na mga VK ni Rico.
Ano kaya ang dahilan at bakit hindi siya kumikilos?
***
Anomang reklamo puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahooom. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
