Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

VK TALAMAK SA QC

$
0
0

TALAMAK daw ang video-karera sa Quezon City, lalo na riyan sa nasasakupan ni Supt. Christian dela Cruz, hepe ng Police Station 2 ng Quezon City Police District (QCPD).

Kaya naman pala napiling Station Commander of the year itong si Dela Cruz dahil namumulaklak ng VK sa kanyang lugar.

Hmmmmmmm, kaya kayong mga station commander ng QCPD, kung gusto n’yong maging pinakamagaling na station commander aba, eh, maglagay rin kayo ng mga VK machine, peryahan at kung ano-ano pang iligal sa inyong nasasakupan.

Sino kaya ang namili o mga naging judge kung sino ang magiging station commander of the year ng QCPD kaugnay ng nalalapit na anibersaryo nito sa darating na Nobyembre 25, 2015?

Wala na bang ibang opisyal na mapipili? Kasi, para sa akin lang naman, hindi deserving itong si Dela Cruz na maging station of the year dahil bukod sa maraming iligal sa kanyang lugar ay marami ring galit sa kanya.

Hindi ko kilala nang personal itong si Dela Cruz pero marami akong naririnig na negatibo sa kanya lalo na sa mga iligal at pag-uugali nito.

Sana naman bago inihayag ng pamunuan ng QCPD ang kanilang napiling Station Commander of the Year, eh, nag-isip-isip muna sila kung karapat-dapat nga bang maging Station Commander of the Year ang opisyal na ito.

ILIGAL NA SUGAL SA PERYAHAN SA ANGELES NAPIPINTONG IBALIK

Mga iligal na pasugalan sa loob ng peryahan sa Angeles City ay tinanggal na pero ano itong nakarating sa Lily’s Files na kinukumbinse raw ng mayor dito ang may-ari ng pasugalan na muli itong ibalik.

Ayon sa ating sources, tinanggal na raw ang mga pasugalan sa loob ng peryahan ni Ricky Kiros sa Angeles City ngunit itong si Mayor Ed Pamintuan daw ang gustong ibalik ang pasugalan.

Tsk tsk tsk, ibang klase rin ang Mayor na ito, kung totoo ang sumbong. Sa halip na siya ang manguna para alisin ang mga illegal na pasugalan sa kanyang lungsod ay siya pa ang nag-uudyok sa mga kapitalista na magtayo ng sugalan sa loob ng peryahan.

Bakit Mayor, ano po ba ang CASH-unduan ninyo ni Ricky Kiros sa color game para ipalagay mo sa peryahan…………….kung mayroon man?

o0o
Bukas po ang Lily’s Files para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento, mag-text lang po sa 09219787042. LILY’S FILES/LILY REYES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>