IBANG klaseng pulis itong si S/Insp. Leo Aquino ng OIC ng 1st Manuever Platoon, Bulacan PPSC, Sampaloc, San Rafael.
‘Yung lahat daw na mga iligal na marmol na dumaraan sa kanyang nasasakupan ay malayang nakalulusot.
Bakit kaya?
Hindi ko po sinasabi na may regular na lingguhang tinatanggap na P100,000 si tinyente mula sa mga iligal na magmamarmol.
Nakapagtataka lang kasi na sa kabila ng napakalaki ng mga truck na ginagamit na pangdeliber sa mga iligal na marmol ay malayang naibibiyahe nang pabalik-balik ang mga ito sa nasasakupan niya nang hindi niya hinuhuli.
Ang matindi pa rito (ewan ko lang kung gaano katotoo ito), pati nga raw ‘yung mga biyahero ng sibuyas, bawang, baka, uling, kalabaw at kahoy na dumaraan sa Bulacan ay kinokotongan din daw niya.
Totoo man o hindi ang balitang ito, hindi ito dapat balewalain ni Bulacan Provincial Director Supt. Fernando Divina ang paratang kay tinyente.
Kung kinakailangan na ipatapon outside Bulacan ang mamang pulis na ito dahil kawawa ang mga mamamayan ay gawin na sa madaling panahon.
O, hayan DILG Sec. Mel Sarmiento, may masasampulan na kayong pulis scalawag (kung totoo man ito) at dapat ay paimbestigahan ninyo siya!
Now na!
SI HEPE AT KAP ANG NINONG NG PERYA
Si Barangay Chairman Manalo at si C/Supt. Fernando Ortega ang sinasangkalan ng “Perya Queen” na si Lyn ng Bgy. Saimsaim, Calamba, Laguna.
Kaya naman pala matapang ang babaeng ‘yan ay dahil sina hepe at kap ang nasa likod ng kanyang peryahan.
Biruin ninyo, limang lamesa na puwesto pijo ng kanyang color game ang nakalatag sa Bgy. Saimsaim, Calamba.
Ganu’ng puno ito ng iba’t ibang sugalan na may weekly at goodwill na binibigay siya.
o0o
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
