Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

EX-CONG. ABLAN, MISIS NG KOREAN CONSUL, PROTEKTOR NG ILIGAL SA SUBIC?

$
0
0

BINABRASO umano ni Ilocos Norte Ex-Congressman Roque Ablan, Jr. ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) para paboran ang isang grupo ng Koreano sa Freeport.

Ito Ang Totoo: maraming paglabag ang Korean company kaya ipinasasara na ng SBMA.

Kabilang sa mga paglabag ay ang hindi pagbabayad sa SBMA ng upa na mahigit P15-milyon, bukod pa sa hindi pagpapasweldo sa mga empleyado.

Ang masaklap pa, sa mga nakaraang panahon, binabawasan ng “tax” at SSS “contributions” ang mga empleyado pero hindi naman pala ibinabayad sa naturang mga ahensiya.

Para makaiwas sa mga obligasyon, nagbuo ang naturang Korean group ng kumpanya na siya na umanong bagong may-ari at nagpapatakbo ng kasalukuyang kumpanya.

Hindi registrado sa SBMA ang bagong kumpanya na walang “approval” ng SBMA at isang “construction company” gayong ang negosyo ay pag-operate ng eskuwelahan.

May “discrimination” pa laban sa mga Filipino sa sarili nilang bayan dahil hindi pinasusweldo pero ang mga dayuhang guro, bayad lagi ng mga Koreano.

Taliwas lahat sa patakaran at “policy” ng SBMA ang ginagawa ng naturang Korean group pero itong si Ablan, nagtungo pa umano sa Subic Freeport para i-pressure si SBMA Chairman Roberto V. Garcia na magbulag-bulagan na lamang alang-alang sa kanya dahil kailangan daw niya ang naturang transaksiyon.

Mismong silang mga Koreano pa ang nangangalandakan na sinabi umano kay chairman ni Ablan na kailangan niya ang transaksyon dahil “magbibigay” pa siya sa partido, tama po ba ito ex-congressman?

Kanino pong partido?

Ito Ang Totoo; dapat maalerto ang mga partido politikal na baka may mga gumagamit sa kanila para mangalap ng pera na kunwari para sa kandidato nila.

Dapat ding maalerto ang Korean Embassy sa paggamit umano ng asawa ng isang consul nila ng posisyon nito para manghimasok sa SBMA.

Kasabwat umano ng Korean group ang asawa ng consul na “name-dropper.”
Puro pakita kasi itong naturang asawa ng consul na kasama niya sa litrato ang kung sino-sinong politiko at kilalang personahe sa Pilipinas.

Kilala ito ng kaibigan nating tanyag na abogado na si Salvador Panelo, ‘di po ba, atty.?

Mabuti naman at hindi natinag si Chairman Garcia sa iskima ng mga hinayupak kaya hindi umubra ang panghihimasok at pang-iimpluwensiya ni Ablan at asawa ng Korean consul. Ito Ang Totoo! ITO ANG TOTOO/VIC VIZCOCHO, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>