IYAN ang isa sa mga anggulo na tinitingnan ng National Bureau of Investigation. Posible raw na SABOTAHE ito kontra administrasyon at PANINIRA dahil sa nalalapit na eleksyon?
Ayaw kong maniwala na tinamaan na rin ng TANGA NGA VIRUS ang NBI! Ang nasabing virus ay sakit mula sa matinding pananakot ng mala-diktador mula sa Malacañan.
Epekto nito ay magkunwaring “hindi ko alam”, wala akong alam” iimbestigahan namin iyan”, “ibang ahensiya ang may hawak niyan”, “hindi ko kontrolado iyan”, etsetera para kunwari ay wala silang alam o TANGA NGA, kunwari!
Narinig ko ang SABOTAHE TUNGKOL SA TANIM-LAGLAG BALA sa bibig ni Mar Roxas kamakailan. Nasa isang kampanya siya at iyan ang isa sa magulong sagot niya, “maaaring gawa ito ng mga kalaban ng administrasyon para siraan ang matuwid na daan…”
At kung SABOTAHE KONTRA ADMINISTRASYON ito, ibig ba nilang sabihin, “kalaban ng rehimeng Aquino ang mga taga-OTS at mga kasabwat nila sa X-RAY baggage screening? Mali ang iskrip ninyo!
May ilan na dating taga-OTS-NAIA ang umamin na. Sadyang may sindikato ng tanim-bala na lumaki sa rehimeng Aquino. Sa Senado nga inamin mismo ito nina DOTC JUN ABAYA, OTS USEC. RECOMONO at ang “walang kontrol” o “walang alam” umano na si MIA Angel Honrado.
Kung may sindikato, may tao na gumagawa nito, siyempre may tao o opisyal na mataas ang nagmamando. Siguro naman mga ulupong ng DOTC-MIAA-OTS-AVSECOM, kalaunan ay hindi ninyo isisisi ito kay dating Pangulo at Pampanga congresswoman GLORIA MACAPAGAL-ARROYO!
Kung sabagay, mana-mana lang talaga ang buhay. Kung ano ang gawi at huwisyo ng amo, gayundin ang gagawin ng kanyang mga tao. Korapsyon ang sakit ng ulo, siyempre, korapsyon ang buong katawan hanggang ilalim ng kanilang talampakan.
Taliwas sa isinisigaw ni BS Aquino 3 na sa kanyang pamamahala, number 1 na ang Pilipinas sa mundo dahil sa kaginhawaan ng buhay Filipino – bugbog na ang bansa natin sa pagiging number one sa kahihiyan sa halos lahat ng batayang panlipunan!
Pinakamagulong airport sa mundo. Pinakamagulong traffic sa mundo. Pinakamaruming lungsod sa mundo. Pinakamabagal na serbisyo sa mundo. Pinakabulok na burukrasya sa mundo at marami pa pero batay mismo sa UNITED NATIONS, ang bansa natin sa KAMAY NG REHIMENG AQUINO ANG PINAKAKORAP SA BUONG MUNDO!!!
SABOTAHE lang ba iyan mga tuta at trumpeta ni BS Aquino? Teka muna mga sir, MAY SISIRAIN pa ba sa REHIMENG AQUINO? KAPAL namannnnn. BALETODO/ED VERZOLA
