Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

APEC ENDS, KUDOS CPNP RIC MARQUEZ AND MEN

$
0
0

FINALLY, natapos na rin ang Asia Pacific Economic Cooperation conference.

Nakauwi na ang mahigit 20 lider mula sa iba’t ibang bansang Silangan at Kanluran. Malalaman natin sa mga susunod na araw mula sa Malacanan kung ano ang pakinabang ng bansa na ginastusan daw ng P10-bilyon!

Sana nga lang, nag-isip ang mga tao ng rehimeng Aquino sa pagdarausan ng APEC. Sana sa labas ng Metro Manila katulad ng SBMA o sa Clark Development Corporation ginawa ang pulong katulad noong 1996. Wala sanang naabala – sa trabahao at kita!

Sa kabila ng parusa na idinulot ng APEC sa taumbayan at mga negosyante, binabati at pinasasalamatan natin ang pamunuan at mga tauhan ng Philippine National Police at AFP.

Marami ang galit noong linggo ng APEC, lalo na ang mga motorista. Libo-libo ang naglakad makauwi lang ng bahay at may napaanak pa sa hirap. Binabati natin ang babaeng pulis QCPD na tumulong sa nanganak!

Sa kabuuan ng APEC, hindi natin maalis ang paghanga sa liderato ni Chief PNP RICARDO MARQUEZ para matiyak na ligtas at mapayapa ang takbo ng pagpupulong. Alalahanin na si General Marquez din ang namahala sa seguridad noon sa pagdalaw ni Pope Francis.

Kasama ni MARQUEZ sa pagtiyak ng seguridad ng buong delegasyon sa APEC ay si NCRPO Director JOEL DULDULAO PAGDILAO na inatasan bilang Task Force Commander ng APEC MANILA.

Saksi tayo kung gaano ang ginawang paghahanda ni MARQUEZ, lalo na ang NCRPO.

Nabanggit nga ni PAGDILAO na mas mabuti na ang dagdag-sakripisyo sa trabaho kaysa masalisihan ng sinomang indibidwal o grupo na may balak maghasik ng gulo at lagim sa pulong na iyon.

Itigil na rin sana ang intriga laban sa Pambansang Pulisya ukol sa pagkain at allowance ng mga pulis na kasama sa APEC SECURITY. Katulad ng nangyaring intriga noon sa pagbisita ni Pope Francis, walang nangyari na “dayaan” sa pagkain.

Kilala natin si Hepe noong junior officer pa lamang siya. Diyan sa galit sa gulangan at dayaan. Palagi siyang seryoso sa anoman trabaho na iatang sa kanyang balikat at natatapos niya ito with flying colors.

Ganyan din sa NCRPO Director Pagdilao. Tahimik pero malalim magtrabaho na ang resulta, “taob ang bangka ng sindikato!”

Walang batayan na sisihin natin ang Pambansang pulisya rito. Kung mayroon man, ‘yung mga nagplano ang nagkamali sa pagpili ng lugar na pagdarausan.

Dahil sa maganda ninyong SECURITY PERFORMANCE, KUDOS CPNP MARQUEZ at sa iyong mga tauhan! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>