Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BULACAN PINAMUMUGARAN NG SANGKATUTAK NA VK

$
0
0

GUMAWI tayo sa lalawigan ng Bulacan at ating silipin ang talamak na operasyon ng mga video-karera (VK) na pinatatakbo ng iba’t ibang mga operator na namumugad sa lalawigang ito na kung saan ay patuloy na nagbubulag-bulagan ang mga kapulisan at mga lokal ng opisyal ng lalawigan.

Kabilang sa mga bayan na pinamumugaran ng sangkaterbang makina VK ang San Jose del Monte, Bulacan na ang mga nagpapatakbo rito (hindi ko lang alam kung gaano katotoo ito) ay ang magkapatid daw na Samera.

Ang balita (ewan ko lang kung totoo ito) isang barangay kapitan at konsehal ng bayan ang magkapatid na ito.

Tingnan ninyo ang kawalanghiyaan ng mag-utol na ito.

Kung sino pa ang inaasahan ng mga constituent nila na na magbubuwag sa mga kailigalan sa kanilang lugar ay ang mga ito pa ang nagsisilbing promotor sa pagpapalaganap ng mga iligal sa kanilang bayan.

Samantalang ito namang si San Jose del Monte chief-of-police Supt. Charlie Apil Cabradilla ay pabanjing-banjing lang sa kanyang opisina.

Abay ang mga katulad nitong si hepe ay sinisibak na dahil walang tibay na maasahan ang taumbayan sa kanya kung magpapatuloy siya.

Bukod pa sa magkapatid ay may isa pang VK operator ang nag-ooperate sa San Jose del Monte ng pa-guerilla (patago-tago) na kinilala lang sa kanyang alyas Fanny.

Sa Bulacan, Bulacan naman ay isang alyas Gil ang siyang nakalutang na operator ng mahigit sa 200 makina.

Ang nakapagtataka rito ay kung bakit tila hindi rin nakikita ni Bulacan, Bulacan chief-of-police Supt. Gerardo Almario Andaya ang mahigit sa 200 VK ni Gil sa nasasakupan niya.

Ano kaya ang naging casshhh..sunduhan nila para magbulag-bulagan si koronel? Hehehe..

Ang daya-daya n’yo, ha!

O, PNP chief General Ricardo Marquez, aba’y, sibakan na!

***
Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>