Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SURVEY AT RANSOM

$
0
0

Allan-Encarnacion-mano_mano-web-copyMARAMI ang nagsusulong na ipatigil ang survey na ginagawa ng Pulse Asia at SWS para sa mga kumakandidato ngayong paparating na eleksyon.

Naniniwala tayong kailangan din ng gabay ng bayan sa mga gusto nilang iboto, lalo na’t marami ang aspirants na halos hindi pa naman kakilala ng mga kababayan natin.

Sa mga nakaraang linggo, sunod-sunod ang survey na nagdedeklarang posibleng manalo ang mga taong binabanggit na papasok sa magic 12 ng senatorial contest.

Wala tayong nakikitang problema sa mga survey.

Pabor ito sa atin subalit kailangan din silang limitahan upang hindi magbigay ng un-due advantage sa palaging nababanggit na nasa winning circle.

Tingin natin, anim na buwan bago ang actual election, hindi na dapat nagpapalabas ng mga survey dahil magmumukha na itong mind conditioning o pagmamaniobra sa isipan ng publiko.

Aminin man natin o hindi, bayad ang mga survey na ito ng mismong mga kandidato kaya kung logic ang pag-uusapan, dapat ay maging personal consumption na lang ang survey results kapag anim na buwan na lamang ang nalalabi para sa pagdaraos ng halalan.

Mismong si Pulse Asia president Ronald Holmes ang nagsabi na posibleng ang nagbayad ng mas malaki para gawin ang survey ay puwede ng makapasok sa winning circle kung talagang gugustuhin.

Dapat mismong ang Comelec ang pumigil sa mga survey firm na tigilan na ang survey, lalo na ngayong sumasapit na tayo sa critical period.

***

Hindi natin masisisi ang pamilya ng Australian na magbayad ng ransom sa Abu Sayyaf para masagip ang kanilang kaanak na kinidnap.

Totoong hindi ito magandang senyales kung gagawing sistema ang pagbabayad ng ransom sa mga biktima ng kidnapping.

Ang tanong ngayon, eh, anong garantiya ba ang puwedeng ibigay ng AFP at PNP na buo at buhay pa nilang nakikita ang kanilang kapamilya kung hindi sila gagawa ng paraan na mag-ipon ng pantubos?

December 2011 pa  nakidnap ang Australian at ang taon ngayon ay 2013.

Sapat ang mahabang panahong ito para ipaubaya sa ating pamahalaan ang pagsagip sa banyaga pero hindi nangyari.

Kung hindi palatandaan ng ating mga awtoridad, hindi ko na alam kung ano ang itatawag dito.

allanpunglo@yahoo.com


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>