Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PRESIDENTIAL AMBITION NI DUTERTE BAKA MAUNSIYAMI

$
0
0

ANG presidential ambition ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ay baka maunsyami. Ito ang nakikita ni election lawyer Romulo Macalintal sa pagkandidato ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang presidente sa susunod na 2016 election.

Ayon kay Macalintal, hindi na dapat payagang tumakbo ng COMELEC sa pagka-Pangulo si Duterte pero ang sabi naman ni dating COMELEC Chair Sixto Brillantes ay pwede raw.

Ngunit kung hihimayin daw ang pahayag ni Brillantes ang sabi lamang naman daw niya ay pwedeng tumakbo si Duterte bilang kapalit ng standard bearer ng PDP-Laban na si Martin Diño at hanggang doon na lamang daw ang pahayag ng dating COMELEC chairman.

May mga nakita namang mga “legal technicality” si Atty. Macalintal sa isinumiteng Certificate of Candidacy (COC) si Diño sa COMELEC kaya pwedeng sumabit ang sinasabing planong “substitution” ng kampo ni Duterte.

Unang-una raw, ‘yung ginamit na COC ni Diño ay ang form para nga sa mga tatakbo sa pagka-Presidente ngunit ang inilagay ni Diño na posisyon na tatakbuhan niya ay bilang mayor ng Pasay City.

Doon pa lamang daw sa COC at posisyong tatakbuhan sana ni Diño ay depektibo na na makasasama sa kalagayan ni Duterte.

Pangalawa bago pa man ideklara ng COMELEC na “nuisance candidate” o salimpusa at panggulo si Diño, nag-withdraw na ito ng kanyang kandidatura.

Ayon pa kay Macalintal, hindi uubra ang substitution ni Duterte para kay Diño dahil nag-withdraw na ito sa karera.

Eh, ano pa nga naman ang saysay ng plano ni Duterte kung wala naman siyang papalitan. Eh, ‘di wala. Hehehe…

Sa kabila ng mga ingay hindi pa rin sigurado kung may saysay pa ang pagpa-file ni Duterte sa COMELEC.

Malamang may tulog pa siya rito dahil sa pagiging urong-sulong na desisyon niya.

***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Conejos para colorear


Lagarto para colorear


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Love Quotes Tagalog


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Girasoles para colorear


Tiburon para colorear


PreSonus FireBox - handly interfaz de


Problema Quotes – Pera Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>