Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SALVAGING ‘DI SAGOT SA MAGULONG PINAS

$
0
0

SA 5 presidentiables, walang duda na si Mayor Digong Duterte ang malinamnam sa panlasa ng mga Pinoy dahil sa matikas nitong pananalita.

Ang mga lumalabas sa bunganga na maaanghang at ‘di mawaring salita ay tila expression na at bahagi na ng kanyang buhay.

Sa mga residente ng Davao City, ang ugaling pagmumura ng kanilang alkalde ay marahil–wala lang–dahil sila’y nasanay na.

Pero kung sa mga Davawenyo ay natatanggap ang kanyang style, tiyak na ang buong bansa ay ‘di natutuwa kay Mayor Digong.

Noong Lunes, Nobyembre 30, nasaksihan ng Luzon, Visayas at Mindanao ang live media at television coverage ng kanyang proklamasyon.

Punom-puno ng pagmumura ang speech na sinimulan sa personal na buhay, serbisyong bayan at kung paano pinamahalaan ang Davao City.

Maraming ikinuwento si Mayor Digong, isa rito ang ginawang ‘brutal’ – aniyang – pagpatay at pagsunog niya sa mga kidnaper.

Pangako niya, kapag siya’y nanalong Pangulo, lahat ng mga kriminal, lalo na ang mga drug lord, pusher at addict ay mamamatay.

Habang marami ang naniniwala na ang matigas na pamamahala ay susi sa katahimikan, hindi ito naging patunay para makamit ito ng Pilipinas.

‘Di dapat kalimutan ang ‘multo’ ng Martial Law noong 1970’s na pinaniniwalaan noon ng mga propagandist na magdadala ng katahimikan sa bansa.

Napakarami ang inaresto, binugbog at pinatay pero sa kasamaang palad, ang ilang naging biktima ay ‘di kasama sa sinasabing kalaban ni Marcos.

Sa mga Juan at Maria na ‘di nakararanas ng ma-salvage ang kaanak, maaaring okey lang, pero sa mga namatayan na, tiyak ayaw nila kay Duterte.

Ang sabi, uutusan ang military at police para lipulin lahat ang mga kriminal – partikular ang mga sangkot sa droga.

Para tumahimik na ang bansa, okey lang sigurong mamatay ang mga nagkakasala, pero paano kung ang masa-salvage ay walang kasalanan?

Sa kasalukuyang mga awtoridad, para ma-justify kuno ang shoot-out, ang mga nasa-salvage ay tinataniman ng droga at baril.

Ang summary execution o salvaging ay ‘di sagot para makamit ng mahal nating Pinas ang katahimikan. CHOKEPOINT/BONG PADUA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaccia


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>