Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PALPAK ANG SCRIPT

$
0
0

BAGO pa man magsimula ng pagsusumite ng Certificate of Candidacy ay puro kaeklatan na ang banat na ginawa ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Nandiyang sinasabi niyang hindi siya tatakbo sa pinakamataas na posisyon sa bansa pero panay naman ang labas niya sa telebisyon at iba pang okasyon upang pag-usapan ng taumbayan. Ibig-sabihin iba ang kanyang sinasabi sa kanyang ginagawa.

Pero dumating ang tamang timing kaya bigla na lang sinabi ni Duterte na tatakbo siyang Pangulo sapagkat ayaw niya kay Sen. Grace Poe na para sa kanya ay tulad ni Pangulong Benigno Aquino III na tuta rin ng mga Kano.

Ang kanyang pagiging matapang sa pagsasabi ng kung ano-ano o pagpapakawala ng maaanghang na salita ay tila bahagi ng propaganda niya sa kanyang pagtakbo upang mas lalong makilala at pag-usapan.

Ang kanyang tahasang pahayag na lilipulin niya ang mga kriminal tulad ng magnanakaw, drug pusher at iba pa ay patunay na marahas ang magiging paraan niya ng pamumuno. Bagaman demokrasya ang pinapatibay na sandigan ng bansa, tila hindi pa rin makukuha ang katarungan kung daraanin sa dahas.

Kung ganoon ang gagawin, hindi na pantay ang tatlong sangay ng pamahalaan. Kapag nanalo ba si Duterte ay may silbi pa ang hudikatura? Aba’y kung ang pagsingil sa kasalanan ng isang mamamayang nagkasala ay sa pamamagitan ng pagkitil sa buhay nito, ibig-sabihin ay hindi idaraan sa tamang proseso ang pagkuha ng katarungan.

O baka naman ang pagbabayarin lang sa utang sa krimen ay ‘yung mahihirap at walang kakayahang magtanggol sa kanilang sarili sa hukuman? Aba’y nasaan naman ang demokrasya sa nais ni Duterte?

Ngayon pa lang ay dapat nang kumilos ang mga miyembro ng Commission on Human Rights para maitama ang plano ng alkalde.

Talagang walang kinatatakutan si Duterte kaya nga malakas ang loob niyang murahin ang Santo Papa. Pero parang drama lang naman ang kanyang ginawa upang mapuna at matantiya niya kung hanggang saan ang makukuha niyang suporta sa mga mamamayan.

Nang makita nilang marami ang nag-react, kaagad na kumambiyo si Duterte. Kung talagang matapang siya, dapat ay nanindigan siya. Pero dahil mali ang script sa drama niya, kaya bigla niyang sinabing biktima siya sa pangmomolestiya ng isang pari noong ng kanyang kabataan.

Sa karakter niya na siga-siga at maton, bihira ang kumagat sa kanyang kuwento. Ang mas pinaniniwalaan ngayon ng mga tao ay ang kanyang pagiging bastos hindi lang sa Papa sa Roma kundi maging sa kababaihan. PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>