Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DEDMA SI CHIZ SA MGA KASONG RAPE SA KABIKULAN

$
0
0

SA kabila ng pagtaas ng bilang ng mga kasong rape sa Bicol, mukhang walang pakialam itong si Sen. Chiz Escudero na ngayon ay abalang-abala sa kanyang kandidatura sa pagka-Bise-Presidente.

Si Chiz, tubong Sorsogon, ay matagal nang senador pero mukhang wala siyang ginagawa para matugunan ang mga problemang kinakaharap ng kanyang mga kababayan sa Bicol.

Ang Philippine National Police na ang mismong nagpahayag ng pagkabahala sa pagtaas ng bilang ng mga panggagahasa.

Sa datos na nakalap ng PNP, umabot sa 2,174 kabuuang kaso ng rape ang naitala mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon kumpara sa 1,903 kabuang kaso ng rape mula Enero hanggang Oktubre noong 2014.

Sinabi mismo ng PNP, ang kabuuang bilang ng kaso ng rape ay 22 porsiyento ng kabuuang bilang ng index crime sa Bicol na 9,882.

Napakataas nito kumpara sa limang porsyento o mas mababa pa, na mga kaso ng rape sa ibang rehiyon sa bansa.

Sa ulat pa ng PNP, 2-taong gulang ang pinakabatang biktima ng rape, na talaga namang nakagugulat at ang pinakamatanda naman ay 53-taong gulang.

Ang bilang ng rape cases ay ang mga naiuulat lamang kaya may posibilidad na mas mataas pa ito dahil may mga hindi rin nagrereklamong biktima ng rape.

Sa harap ng nakaaalarmang mga kaso ng rape sa Bicol, nararapat lamang na bigyan ito ng pansin ni Escudero.

Napakatagal nang mambabatas si Chiz pero mukhang ang kapakanan ng kanyang mga kababayan sa Bicol ay kanyang napababayaan.

Siguro, bago mangarap si Escudero na maging Bise-Presidente ng bansa, unahin muna niya ang ikabubuti ng Bicol, lalo na ang kapakanan ng mga kababaihan.

Ito ang pagkakataon ni Escudero na magpakitang-gilas sa kanyang mga kababayan at hindi puro pangangampanya lamang ang kanyang binibigyan ng pansin.

Bilang senador, kailangang gamitin ni Escudero ang kanyang impluwensiya na maibaba, kung hindi man ganap na matigil ang insidente ng rape sa Bicol.

Kailangang alamin din ni Escudero kung ano ang mayroon sa Bicol kung bakit bukod tanging tumataas ang mga kaso ng rape sa rehiyon.

Ito ang mabigat na hamon kay Escudero bago niya pangarapin na maging pangalawang pinakamataas na pinuno ng bansa. KANTO’T SULOK/NATS TABOY


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>