Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PULIS, MAYOR SA CALAMBA NAGBUBULAG-BULAGAN

$
0
0

SA Calamba, Laguna ay patuloy pa rin pala ang pagpapakalat ng mahigit sa 200 video-karera o makina (VK) ni Rico ng Tanay, Rizal sa kabila ng mahigpit na kampanya ni PNP chief Gen. Ricardo Marquez laban sa iba’t ibang uri ng mga iligal na pasugalan sa bansa.

Ang masakit dito, tila nagbubulag-bulagan itong si Laguna Provincial Director Supt. Florendo Saligao sa hindi malamang kadahilan.

Biruin ninyo, mabilis na naikalat ni Rico ng Tanay ang mahigit sa 200 makina nito sa bawat sitio o barangay sa bayan ng Calamba nang hindi man lamang kumilos si Supt. Saligao para pigilin ito.

Maging itong si Calamba chief-of-police Supt. Fernando Ortega ay hindi man lamang kumilos para mapigil niya ang hindi makontrol na paglalatag ng mga makina sa buong sitio o barangay sa Calamba.

Ang balita ko (hindi ko lang alam kung gaano katotoo ito) na si Region 4-A R2 C/Supt. Dionesio Bartolome ang ‘gumigitna’ kay Rico kaya wala raw magawa ang mga opisyal ng kapulisan dito.

Ang isa pa sa pinagtatakhan ko ay kung bakit nagbibingi-bingihan din si Calamba Mayor Timmy Chipeco?

Magkano, este ano kaya ang dahilan at bakit hindi matinag o mapigilan ni mayor ang mabilis na pagkalat ng mga makina ni Rico sa mga barangay at sitio.

BOOKIES AT SAKLA SA PADRE GARCIA, TULOY

Sa Padre Garcia, Batangas naman ay namamayagpag pa rin ang bookies ng STL at saklaan ni Bong Guno.

Hindi pa rin daw kumikilos si Mayor Abra Gutierrez para aksyunan ang patuloy na pamamayagpag ng mga sugalan ni B. Guno.

Ang sabi (hindi ko lang alam kung gaano katotoo ito) na si mayor daw ang nasa likod ni Bong Guno.

Kaya patuloy na namamayagpag ang bookies nito sa buong Padre Garcia.
Totoo kaya ito, mayor?

o0o
Anomang reklamo o pu-na ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>