Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ANO BA ANG MAYROON SA NAKAPAGDUDUDANG SURVEY?

$
0
0

AY naku! Ano na kaya ang nangyari ngayon sa ipinalabas na survey nitong isang sikat na survey company na pag-aari nitong si Mr. Majar Ma-ahas,este Mangahas ng Social Weather Stations na tila may mga mali sa pamamaraan ng pagtatanong nito sa publiko.

Bukod kasi sa kaduda-duda ang nagpa-survey dahil na nahulihan ng pekeng sabong panlaba ang mga bodega nito ay talagang ang pagkakagawa ng tanong niya tuloy ay parang saliwa.

Lumalabas kasi sa naturang survey na kung saan ay nanguna si dating Davao City Mayor Rodrigo Duterte na ang naging katanungan sa respondent ay kung si Rodrigo Duterte ay nasa listahan ng kandidatong pwedeng humalili sa pagka-Pangulo, sino ang iyong ibobotong Presidente kung ang halalan ay gaganapin ngayon?

Ay naku (ano ba ‘yan?).

Hindi po ako statistician pero para sa akin ay may mga sablay sa pamamaraan ng pagkakagawa sa tanong. ‘Yung baga parang ipinagmamalaki ng survey na si Duterte lang ang pinakamabuting kandidato sa hanay ng mga nag-aasam ngayon na maging Pangulo ng bansa. (Tama ba ‘yan ha? He..he..he)

Ang tanong ay magkano ba ang ibinayad sa kinumisyon na survey?

He..he..he…he..

Kaya mukhang hindi nasunod ang protocol sa paggawa ng questionnaire na dapat ay hindi ganito ang leading.

Sa mga nakaraan kasing survey, ang mga respondent ay tinatanong lamang kung sino sa listahan ang kanilang iboboto sa pagka-Pangulo sabay pakita ng mga listahan ng maaaring pagpilian.

Pero naman, naman. He..he! Sa bagong survey ng SWS ay ibinaon na yata sa utak ng sina-survey kung sino dapat piliin. (Ganoon ba ‘yan, ha?)

Ganyan ngayon ang nangyayari sa mga lumalabas na survey ng ibang pollster o survey companies (‘Yun bang tipong bayad. Hehehehe!)

Sa ganang akin ay maituturing ko ang pamaraang ito na isang uri ng pagmamaniobra ng resulta para mapaboran ang isang kandidato o kaya ilihis ang tunay na resulta ng survey. (Ganun ‘yun!)

MAYOR YNAREZ, PAKISILIP NAMAN ANG MGA VK

Patuloy pa rin sa pamamayagpag ang mga demonyong video-karera ni Bong Sola sa Antipolo, Rizal habang itong si Mayor Junjun Ynarez ay patuloy naman na nagbibingi-bingihan dahil hindi ito kumikilos para patigilin ang talamak na operasyon ng mga makina ng nasabing operator.

Ayokong mag-isip ng masama kay mayor pero ano kaya ang dahilan bakit hindi kumikilos si Mayor Ynarez?

***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-emal sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>