SA Antipolo, Rizal sa kaharian ni Mayor Junjun Ynarez ay mabilis na nakapaglatag ng mahigit sa 150 mga video-karera (VK) ang tinaguriang “VK King” ng lalawigan ng Rizal na si Bong Sola.
Ang tindi ng mamang magbi-VK na ito dahil bukod sa mga nakalatag na makina nito sa Antipolo ay may mga sugalan din siyang minamantine sa ibang bayan ng probinsya.
Matagal na umanong operator ng iba’t ibang iligal na pasugalan itong si Bong Sola kaya kahit sinong opisyal ng lokal na pamahalaan at kapulisan ay kayang-kaya niyang paikutin sa kanyang mga kamay.
Palibhasa walang ipinangangalandakan si Bong Sola kundi pera-pera lang ang katapat ng mga lokal na opisyal ng gobyerno at kapulisan.
Kaya naman patuloy at smooth na smooth ang operasyon ng mga makina ni Sola sa Antipolo.
Maging si Mayor Ynarez ay hindi kumikilos para ipatigil ang operasyon ng mahigit sa 150 makina ni Sola na inilatag niya sa Antipolo.
Ang siste pa, pati si chief-of-police Supt. Arthur Ortega Masungsong ay tila walang ginagawa sa kanyang opisina kundi ang magkuyakoy sa de erkon na office nito.
Ay naku, Col. Masungsong, kumilos ka naman…
VK SA CALOOCAN, LANTARAN PA RIN
Sa Bukid Area, Caloocan City ay hindi pa rin daw tumitigil ang mga pulis na nagpapakilalang mga bata raw sila ng isang Col. Ariza sa pag-o-operate ng mga VK na kung saan ay pinagmumulan din ng talamak na bentahan ng droga sa nasabing lugar.
Ang pulis na umano’y binabanggit na pasimuno ng mga VK sa Bukid Area at Bagong Silang ay itong sina Florentino, 8 VK; Ambatang, 7 VK at Madrid 5 VK.
Sa Camarin at Bagong Silang ay may mahigit sa 100 makina ang nakalatag mula sa mga operator na sina Val, Lotlot at Otep.
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

