EPEKTIBO ang ipinatutupad na OPLAN LAMBAT SIBAT ng Pambansang Pulisya (PNP) lalo na ngayon sa ilalim ng liderato ni PNP Chief RICARDO MARQUEZ.
Sa Metro Manila o sa ilalim ng National Capital Region Police Office (NCRPO), pinatindi rin ang Oplan ni Director JOEL D. PAGDILAO.
But wait, hindi lang sa Kalakhang Maynila nakasentro ang Lambat Sibat kundi sa buong bansa. Sana lang, huwag maging pasaway ang ilang miyembro ng PNP na patuloy sa kanilang trabahong BANGKETA. May nangyayari pa ring na BANGKETAHAN, lalo na sa operasyon ng mga iligal na droga!
Ngayong panahon ng Pasko at nalalapit na pagsalubong sa Bagong Taon 2016, pinaigting pa ni CPNP Marquez ang kanyang tagubilin sa lahat ng pulis sa buong bansa. Itodo ang proteksyon sa mamamayan, lalo na sa kanilang seguridad. Aprub!
Katulad ni CPNP RIC, laking INTEL din si Director Pagdilao kaya kabisado nila ang trabaho ng ilang bulok na pulis. Subok ang dalawang opisyal sa intelligence at counter-intelligence network.
Mahusay ang pamamahala ni Marquez noong bumisita sa atin si Pope Francis. Nakita rin natin ang husay ni Pagdilao nito lang katatapos na APEC.
Mismong ang taumbayan ang kumilala sa kanilang mahusay na pamamahalang pangseguridad sa ating bayan at mamamayan, lalo na sa oras ng pagdayo sa atin ng mga lider mula sa iba’t ibang bansa. Sana ay huwag sirain ito ng mga pasaway na pulis na bayan.
Bawat distrito, panglalawigan o rehiyon ng PNP ay patuloy sa mahigpit na pagpapatupad ng OPLAN LAMBAT SIBAT na nagbubunga ng magagandang resulta. Bumaba pero nananatiling una sa kriminalidad ang agaw o nakaw motrosiklo pero natitiklo ang mga kriminal at namimili ng nakaw na sasakyan.
Sa NCRPO lang, halos P150-milyon na halaga ng iligal na droga o shabu ang nalambat ng tropang Regional Anti-Illegal Department (RAID) sa ilalim ni PCI ROBERTO RAZON. Siyempre, katulong nila ang mga kapwa pulis sa limang distrito na sakop ng NCRPO.
Kailan lang ay saksi tayo sa pagpupulong ng NCRPO para palakasin pa ang OPLAN Lambat Sibat sa buong Metro Manila dahil dito rin naman ang sentro ng pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon. Utos ni CPNP RIC, “lalo pang paigtingin ang Lambat Sibat” para sa bayan.
Of course hindi maikakaila na may krimen pa rin naman sa kabila ng matinding pagbabantay sa atin ng mga pulis pero DAPAT din naman na tayong mamamayan ay tumulong, makiisa at mapagbantay sa ating komunidad.
TULUNGAN NATIN ANG PNP! BALETODO/ED VERZOLA
