MAKASISIRA sa kasalukuyang lokal na adminsitrasyon, partikular kay Batangas City Mayor Ed Dimacuha, kung pananatilihin sa kanyang puwesto ang isang abusadong traffic enforcer o traffic aide na kung sumita at magmura sa mga tsuper, motorista at pasahero ay tila parang isang German Gestapo noong kapanahunan ni Adolf Hitler sa kasagsagan ng World War 2.
Ang tinutukoy natin ay si Macatangay na nakatalaga sa kahabaan ng Rizal Avenue, Batangas City Proper na nakapanita ng isang Sports Utility Vehicle (SUV) na sinasakyan ng mga teacher na noon ay paparada sana ang sasakyan sa parking space ng isang fast food sa naturang lansangan.
Aba’y mantakin ninyo na nilapitan ng diyaskeng traffic aide ang driver ng SUV na pasigaw kaagad na sinita ang driver ng teachers na hindi niya nakikita na nakaaabala siya sa trapiko.
Biruin n’yo, ang mga guro na mismo ang nagpaliwanag kay Macatangay na kaya naman nagmenor ang kanilang driver ay sapagkat paparada sila sa parking area ng Mang Inasal para magmeryenda roon.
Pero pa-bruskong itinaboy pa ng gagong traffic aide ang tsuper ng SUV at hindi pinayagang pumarada sa mismong parking space ng nasabing food chain gayong may nakalaang paradahan naman doon.
In short ay naitaboy nga ni Macatangay ang tsuper na pumarada sa malayong lugar ang minamanehong SUV nito ngunit ang mga passenger jeep na pumipila naman sa harap ng Citimart Shops On na katabi lamang ng Mang Inasal ang tunay na nakaabala sa daloy ng trapiko sa naturang kalsada na hindi naman tinataboy ni Macatangay habang patuloy ang barker sa pagtatawag ng mga pasahero at pagkatapos ay humihingi ng tongpats sa mga jeepney driver.
Hindi ko sinasabi na kaya hindi maitaboy ito ng traffic aide na si Macatangay ang mga nakaaabalang mga passenger jeep sa Citimart Shops, pero hindi kaya may tongpats siya sa mga sasakyang ito (posible?).
Ang matindi pa na ikinadismaya ng mga guro ay nang makitang tinitingnan siya ng teachers ay buong yabang na lumiyad pa ang Gestapong traffic aide at buong yabang na ipinagduldulan ang kanyang daliri sa kanyang name cloth at ipinagasigawan nito na, “Tandaan n’yo ang apelyido ko, ha, “Macatangay!”
Ay naku, gago pala ang traffic aide na ito, kapag ganyan nang ganya ang ulupong na ito baka pulutin ang mamang ito sa kakungan. Tangna namo, ‘pre.
He..he..he..he.
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-mail sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
