NAPAKALUNGKOT ang nagaganap sa isang dating TV actress/model na si Joanne Ramos matapos na pagbabarilin ang dating live-in partner nito na ama ng kanyang anak na nakilalang si Davy Lan Joseph Perez nang dalawin nito ang anak sa bahay ng huli.
Sa pahayag ni Joanne sa pulisya, habang natutulog daw ang biktimang si Perez katabi ang kanilang anak ay walang-awa raw pinagbabaril ito hanggang sa mapatay ng businessman na si Paul Ryan Aquino na dati ring boyfriend ni Joanne.
Ayon pa kay Joanne, noong time raw na iyon, nakiusap daw ang biktima na saglit siyang magpapahinga dahil sa pagod na pakikipag-bonding nito sa anak ngunit sa hindi inaasahan ay ‘yun pala ang huling bonding nilang mag-ama.
Dahil noong 3:00 ng madaling-araw ng gabing ‘yun, habang natutulog ang mag-amang Perez, ay bigla raw dumating ang suspek na si Aquino sa bahay ni Joanne at walang awang pinagbabaril nito ang biktima habang nakayakap ang anak nito sa kuwarto
Sa rami ng putok sa biktima ay nagising si Joanne at nakita na lang niya na marami ng tama ng bala sa katawan ang kanyang dating ka-live-in at kasabay nito ang pagmamakaawa niya sa suspek na huwag silang galawin ng kanyang mga anak.
Noong sandali ring iyon, humingi agad ng tulong si Joanne sa mga kapitbahay para dalhin sa ospital ang dating ka-live-in pero hindi na ito umabot nang buhay sa pagamutan.
Agad namang tumakas ang suspek sakay ng kanyang Mitsubishi Montero.
Dahil dito ay hiniling ni Joanne at ng pamilya ng biktima na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Perez na walang awang pinagbabaril ng demonyong suspek na si Aquino.
Kung saan ka man, naroroon Mr. Aquino, anoman ang ginagawa mo, sana’y makonsensya ka naman sa ginawa mong pagpatay kay Perez!
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA