NAHIHIBANG na nga si Sen. Alan Cayetano. Kung inaakala kasi niyang ang makukuhang boto ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ay makukuha rin niya, ay naku, tiyak na nagkakamali siya.
Sa mismong influential supporters ni Digong, wala sa hinagap ng mga ito na iboboto nila si Cayetano. Epal kasi ang dating sa kanila ni Cayetano.
Kung matatandan ninyo, kahit hindi pa man pormal na sinasabi noon ni Digong ang kanyang vice presidential runningmate, walang tigil na sa kangangawa si Cayateno na sila ang tandem ni Digong. Ipinagpilitan talaga ni Cayeteno na kunin siya ni Digong, patunay na rito ang mga naunang nagkalat na tarpaulin sa Metro Manila na naroon ang mukha ni Digong, kasama itong si Cayetano,kahit wala pa namang sinasabi si Digong kung sino ang Vice President niya.
Marami ang hindi boboto kay Alan kahit sabihin pang magkasama sila ngayon ni Digong. Libreng makapamimili ang mga botante sa kandidato sa pagka-Bise Presidente. Kung hindi si Sen.Bongbong Marcos ay si Rep. Leni Robredo ang malamang na kanilang dalhin.
Punom-puno kasi ng kontrobersiya si Cayetano. Kung titingnan ang kanyang record, magugulat ka dahil halos lahat na yata ng kanyang mga kasamang senador ay nakabangga na niya. Kahit sa mga deliberasyon o investigation sa Senado, si Cayetano ang madalas na ma-epal at talagang nanghihiya o nang-iipit ng resource persons.
Sa pagtatanong pa lang ni Cayetano sa mga humaharap sa Senado, parang guilty na kaagad ang kanyang pagtrato. Ang kalibre ni Alan ay hindi pang-Bise Presidente. Makabubuting hindi na lang siya kumandidato tutal hanggang 2019 pa naman ang kanyang termino at ipaubaya na lang ni Cayetano ang laban sa mga politikong karapat-dapat at hindi epal.
Ang masakit nito, marami ang nagsasabing baka bumaba ang rating ni Digong dahil kay Cayetano dahil tiyak hahataking pababa nito ang popularity ni Digong kaya makabubuting huwag na siyang dumikit sa senador.
Dapat ay magkahiwalay sila ng kanilang kampanya sa campaign period sa Pebrero 9 hanggang Mayo 7 kung si Cayetano sa Luzon nangangampanya, sa Visayas naman si Digong. Iwas talaga ang dapat na gawin ni Digong kay Cayetano. Nagative vibes talaga si Cayetano.
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

