Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NASOPLA NG ABOGADO DE KAMPANILYA

$
0
0

TILA nasopla ng opinyon ng abogado de kampanilya na si Atty. Romulo Macalintal ang lahat ng mga naghain ng kasong diskuwalipikasyon laban kay Sen. Grace Poe.

Ayon kasi kay Macalintal, walang mga “K” as in karapatan itong sina Atty. Estrella “Star” Elamparo, dating Sen. Francisco “Kit” Tatad, ang talunang si Rizalito David at maging si dating University of the East Law Dean Amado Valdez para kasuhan si Poe dahil sa unang-una ay wala silang “legal status” gaya nang sinasabi ng batas.

Sa paliwanag ni Macalintal, hindi naman “real-party-in-interest” ang apat na nagkakandarapa at ipinagpipilitang maligwak ang kandidatura ni Poe, (Aba biruin ninyo kung mananalo si Poe bilang Presidente ay siya lang ang kauna-unahan sa kasaysayan na pulot (foundling) o ampon na Presidente ng bansa o maging sa Timog-Silangang Asya tanging si Poe lang ang naging presidente.

Ang sabi pa ni Macalintal ay limitado raw ang reklamo nina Elamparo, et al., sa pag-impluwensya sa Commission on Elections (Comelec) na tsugihin sa listahan ng mga kakandidato sa pagka-Pangulo, bilang mga rehistradong botante.

Gayunman, nilinaw ng abogado na hindi naman makikinabang o manganganib sina Elamparo et al. sakali mang matanggal o manatili sa balota si Poe.

Tingnan ninyo, ang sabi pa ng abogado, bukod sa hindi naman “real-party-in-interest,” kwestyunable rin ang naging katwiran ng mga ito sa paghahain ng kaso laban kay Poe.

E, halatang-halatang ‘buking’ ang kaugnayan ni Elamparo sa Liberal Party at maging ang kaugnayan nina Rizalito David at dati niyang boss na si Kit Tatad, at ni Dean Valdez sa United Nationalist Alliance (UNA), ang partido ni Vice President Jejomar Binay. Hehehe.

Kaya nga may kasabihan sa pulitika, ang pagkakaibigan at pagiging magkaalyado ay higit pa minsan sa pagiging magkapatid o magkamag-anak.

Kaya nga mas nanaig ang interes, ekonomiko man o pulitikal, na kalimitan ang gamit ay ang mga kaalyado para lang sa sinusuportahan nilang partido o kandidato.

Ika nga ni Macalintal, binibigyan din naman ng “benefit of the doubt” sina Elamparo et al.

Baka raw kasi totoong makabayan ang mga ito na gusto lang nilang protektahan ang interes ng publiko kaya nagkukumahog sila at ginawa pang patong-patong ang kaso na mawala sa listahan ng kakandidatong presidente ang isang pulot at ampon.

SUGALAN SA LIPA, NAKABUBULAG AT NAKABIBINGI

Ay naku (Onyok), sa Lipa sa lalawigan ng Batangas doon sa Bgy. Pulo at Bgy. Banya-banay ay grabe ang operasyon ng peryahan na puno ng iligal na pasugalan ni Jhun na asawa ni Glena.

Napakalakas gabi-gabi ang sugalan dito at bulag at bingi sina mayor at hepe.

***
Anomang puna o reklamo i-text sa 09169274764,09266719269, o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>