Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SI PNOY NA ANG CAMPAIGN MANAGER NG UNA

$
0
0

Allan-Encarnacion-mano_mano-web-copyHINDI kaya umaaktong campaign manager na ng UNA si Pangulong Noynoy Aquino?

Magmula nang pumasok ang election period, sunod-sunod na polisiya na ng gobyerno ang tila nagtataboy ng boto para sa mga kandidato ng Team PNoy.

Parang hot potato issue ang Sabah crisis na ayaw hawakan ng mga kandidato ng Team PNoy dahil sa pagkakamali ng palasyo rito.

Ang banta ng pagdedemanda sa mga grupo ng Sultanate of Sulu habang ipinaglalaban ang kanilang karapatan sa pag-aari ng Sabah ang nagbigay ng dahilan para mag-panic ang mga nasa Palasyo.

Dagdag pa ang paninindigan ng Pangulo na “hopeless case” ang pag-claim sa Sabah gayong ang labing apat na pangulo ng republika ay hindi ganito ang sinabi.

Dahil sa mga naging development sa Sabah mula sa pagkamatay ng marami nating kababayan, pagtaboy na parang mga hayup sa mga kapatid nating Muslim ng Malaysian forces ay tumapiyas ng malaking boto para sa Team PNoy.

Ang sumunod na unsolicited propaganda ng UNA ay ang pag-veto ni Noynoy sa Magna Carta for the Poor.

Bagama’t ako’y naniniwalang tama si Noynoy sa kanyang ginawa rito, hindi naman ganito ang paniniwala ng maraming mahihirap.

Sa tingin natin, naging tapat ang Pangulo sa kanyang paggamit ng veto power dahil talaga namang mission impossible ang nilalaman ng batas.

Palpak ito ng Presidential Legislative Liaison Office na dapat ay nagbibigay ng regular na update sa Chief Executive bago nakapasa sa third and final reading. Tiyak na ang latay nito sa Team PNoy.

Ang pinakahuling sakmal sa leeg ng Team PNoy ay ang pag-veto na naman sa batas na nag-aalis ng height limit sa mga gustong pumasok sa PNP, BJMP at BFP.

Discriminatory ang pagkilos na ito ng Pangulo kaya siguradong lumulundag na naman sa saya ang UNA.

Imagine kung magsanib-puwersa ang mga Muslim na pinabayaan sa Sabah, mga mahihirap na tinamaan ng veto power ng Magna Carta for the Poor at ang mga lahing bansot (aray) na nasagasaan na naman ng isa pang veto power.

Bangungot ito sa Team PNoy.

allanpunglo@yahoo.com


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>