MAKIKITANG magiging isang huwarang mambabatas itong si independent senatorial aspirant Atty. Francis Tolentino bunga ng kanyang magagandang obserbasyon at panuntunan.
Ipinipilit kasi nitong dating Metropolitan Manila Development Authority Chairman na dapat maingat at disiplinadong tsuper lang ang pinapayagang magmaneho ng mga pampasaherong bus upang makaiwas sa aksidente tulad ng nangyari sa Raymond Bus sa Sariaya, Quezon.
Sinabi ni Tolentino na isang safety expert na makaiiwas sa mga aksidente kung ang kukuning driver ng mga pampasaherong bus ay maiingat magmaneho at dapat may kapalit sa pagmamaneho kapag mahaba ang biyahe.
Ang tinukoy ni Tolentino ay ang pangyayari noong Sabado kung saan inararo ng Raymond Bus ang Kabayan restaurant sa Sariaya, Quezon kung saan ay nasawi si Jessica Estimo habang 41 katao ang nasaktan.
Kasama sa mga nasugatan si Insp. Jaime Gonzales, dating miyembro ng Manila’s Finest subalit natalaga sa Region 5 matapos mag-lateral entry sa PNP.
Naniniwala si Tolentino na dapat lamang bigyan ng prangkisa ang mga bus kung pumasa sila sa safety procedures na dapat ginagawa weekly, lalo kapag peak season tulad ng Kapaskuhan.
Batid ng tumatakbong senador na babayaran ng nasabing bus company ang gastusin sa ospital ng mga pasaherong nasaktan.
“But how about the time? They returned early so that they can be with their loved one. How about those going to work?” tanong ng susunod na mambabatas.
Kaya nga umaapela si Tolentino sa Raymond Bus Company na bawasan ang araw na hindi nakapasok sa kanilang trabaho ang mga pasyente sapagkat kailangan pa rin ng mga ito na magpagaling.
Idinagdag pa ni Tolentino na dapat ding harapin ng bus company ang gastusin ng pamilya ng nasawing pasahero.
Makikitang mababa ang kalooban ni Tolentino sa kanyang mga ipinakikitang pagpapahalaga sa mga pasahero at mamamayan.
Aniya, ang kaligtasan ay walang katumbas na halaga at madalas mangyari ang aksidente kung hindi isinasakatuparan ang pag-iingat. PAKUROT/LEA BOTONES