Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

REKLAMO LABAN SA DZMM PRODUCTION MANAGER

$
0
0

NGAYON ay bigyan po natin ng daan itong isang liham na in-email sa atin ng isang nagngangalang PJ Astorga na binastos daw ng isang executive producer ng DZMM na si Franco Reyes. Totoo man o hindi ang paratang ni Astorga ay karapatan na nating bigyan ng daan ang kanyang reklamo laban kay Reyes.

Basahin natin ang kabuang liham na in-email sa atin:

Dear Mr. Magalona, magandang araw po. Nais ko pong magreklamo laban sa isang executive producer ng DZMM na si Franco Reyes na humahawak ng mga programa gaya ng Turo-turo at Salitang Buhay. Noong mga 5;00pm ng Dec. 5, ako po ay tumawag sa DZMM at kinausap si Reyes upang magtanong tungkol sa balak kong pag-guest sa “Turo-turo” on air noong oras na ring ‘yun.

Itinanong ko lang sa kanya kung posibleng mag-guest ako kahit sa Enero sa Febrero. Sa halip na maging magalang sa akin ay tila pinagtaasan ako ng boses. Pagkatapos niyang sabihing, “Our researchers will brainstorm on that,” ay agad niyang binaba ang telepono nang walang paliwanag. Maliban doon ay hindi man lang siya bumati sa akin at gumamit ng “po” at “opo” bukod sa pagiging burgas sa akin dahil sa pagtaas niya ng boses.

Ilang linggo ang nakaraan ay tumawag akong muli para i-follow through ang reklamo ko laban kay Franco ngunit sinabi ng isa sa mga staff ng production department na banned na raw ako sa DZMM.

Nagpanting ang tainga ko dahil sa aking mga narinig at pakiramdam ko’y ininsulto ako mula ulo hanggang paa.

Dahil sa nangyari sa akin, hindi ko inakalang may empleyado ng DZMM na hindi marunong mag-estima sa kanilang mga caller. Ibig kong masabi sa publiko na may mga taga-media na walang galang at pabalang pa kung sumagot gaya ni Franco Reyes.

Sana ay mabasa ng station manager ng DZMM ang liham kong ito upang malaman niya ang mga nangyayari sa kanyang himpilan at ng hindi pamarisan ng ibang empleyado ang inasal ni Reyes.

***
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa junadesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES