HAHAHAHAHA. Sabotahe? Una ang GM ng MRT3 ang nagsabi na malamang sabotahe raw ang nangyaring pagtirik ng tren ng MRT3. Sa huli, mismong si DOTC secret-contractor JUN ABAYA na ang nagsabi na sabotahe raw ang pagkasira ng mga tren ng MRT3.
Ang dahilan ni Abaya, imposible raw magkaaberya sa pagpasok pa mandin ng bagong taon 2016. Ganoon lang ba ‘yung dahilan Mr. Pabaya? Paano mo ipaliliwanag ‘yung mga sumunod na araw ay dalawang beses isang araw na tumitirik ang mga tren ng MRT3? Sinundan pa iyan ng aberya na rin sa LRT?
‘Yun din ang sinabi ninyo sa nangyari na “tanim-laglag bala” sa NAIA. Katulad din iyan sa sinabi ni Bureau of Customs chief Bert Lina na sabotahe rin ang kuha sa pagnanakaw ng kanyang mga tauhan sa balikbayan boxes.
Balik tayo sa DOTC. Kamakailan lang ay umayaw na ang bagong kontraktor na MAGMAMANTINE sa tren ng MRT3. Ito ‘yung bakas ng Filipino at South Korean firm na Busan.
Ang dahilan nila ay ayaw raw sila bayaran ng kumpleto batay sa kontrata pero wala pang isang linggo, bigla ay ibinigay sa kanila ang halos P3-bilyon na kontrata para sa MRT3 maintenance?
Wow naman G. JOSE EMILIO AGUINALDO JUNIOR! Bukod kang pinagpala sa kabila ng mga iligal mong pamamahala. Talo pa ninyo ng iyong BFF ang diktaduryang rehimen ni Ferdinand Marcos!
Kahit papaano noon kay Marcos, dumaraan sa maayos na proseso ng bidding ng anomang proyekto. Ngayon, aba, puro rekta at patago pa? Kapal naman.
Pero ilan sa mga tauhan ng DOTC ay hindi na nakatiis sa pambababoy ng liderato ng DOTC sa legal na proseso ng bidding. Kinunan nila ito ng video bilang patotoo sa nangyayaring abuso ng namumuno sa DOTC.
‘Yung taga-Busan ay nakaupo lang na buo ang tiwala. May taga-abot ng dokumento bago nangyari ang bidding at ang mga dokumento na isinumite ay pawang mga handa at yari na. Entonses, panalo ang Busan o ang magpakner na Pinoy at South Korean.
Alam ng South Korean businessmen kung gaano kakorap ang mga opisyal sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno sa ilalim ng rehimen ni Noynoy Aquino.
Sanay sila sa katiwalian at lagayan. Eh, ‘di swak kaagad na walang pagod man lamang!
Sa kabila ng DOROBONG SISTEMA NG DOTC, sila pa ang may lakas ng loob na sabihin na sinasabotahe lang daw ang DOTC ang mga kupal na opsiyal ng Malacañan?
Hindi ba matutuloy ang pagpapasagasa? BALETODO/ED VERZOLA