Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAMASAPANO PROBE DAPAT GUMULONG

$
0
0

NAPATAAS ang kilay ko ng magpalagan ang mga ‘epal na politiko’ dahil gusto nilang mag-inhibit daw si Sen. Grace Poe (bakit?) sa muling pagdinig sa kontrobersyal na Mamasapano, e kung tutuusin ay naging maayos at mahusay ang talakayan sa pag-iimbestiga ng senadora sa nasabing kaso.

Aba, kung ako ang tatanungin ninyo,dapat lang na malaman ng publiko kung anoman ang mahalagang impormasyon hinggil sa madugong “misencounter” ng grupo ng Special Action Force at mga bandidong Muslim noong January 25, 2015 na nangyari sa Mamasapano, Maguindanao kung saan 44 na operatiba ng SAF ang napatay, 18 katao naman sa Moro Islamic Liberation Front, walo katao naman sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at ilang mga sibilyan na naipit sa labanan.

Kung bubuksang muli ang Mamasapano probe, siguro ay para higit na malinawan at mapanagot ang dapat managot sa madugong engkwentro na ‘yan at naiwasan sana kung nagkaroon lang ng malinaw na koordinasyon ang may command at ang nasa field.

Ang muling pagdinig sa Mamasapano ay hiniling ni Sen. Juan Ponce Enrile dahil noong iniimbestigahan daw ito ay nakakulong ang nasabing senador.

May kutob ako na kaya ayaw ng ilang mga kaalyado ng Malakanyang na muling mag-imbestiga si Poe ay dahil natatakot ang mga ito na magisa nang husto ang kanilang pambatong manok sa pagka-presidente na si Mar Roxas na balita na isa sa may ginawang malaking kapalpakan kaya 44 na miyembro ng SAF ang napatay nang walang habas na pinagraratrat ng mga bandidong Muslim sa Mamasapano. (patay kang bata ka). Hehehehe.

Tingnan ninyo,kung talagang walang dapat na pagtakpan ang ilan diyan hinggil sa kalunos-lunos na pangyayaring iyon, dapat ay humarap at paharapin ng mga taga-Malakanyang at saka sagutin ang mga tanong na matagal nang naghihintay ng mga kasagutan.

O, kayo namang mga mambabatas, lalo na ‘yung mga kumakandidatong muli sa pagka-senador, sa pagka-bise presidente at maging sa pagka-pangulo ay huwag naman ninyong gamitin ang hearing sa Senado para magmayabang, buhatin ang sariling bangko at manghiya ng kapwa politiko o kaya ng kung sinomang haharap sa pagdinig.

Ito lang ang isipin ninyo, ginagawa ninyo ito para sa ating bayan at para na rin mabigyan ng katarungan ang mga bayaning namatay nang walang kalaban-laban noong Enero 25, 2015 sa Mamasapano.

Ok lang sa ganang akin kung si Poe ay kasama sa muling pag-iimbestiga sa Mamasapano pero dapat ay iwasan niya ang magtanong para hindi naman mabigyan ng kulay ang muling pagbubukas ng Mamasapano case na maging si Enrile ay umayon na rin na makasama si Poe. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>