HALIMBAWA ang tanong na bakit ganon na lang ang sidhi ni natigbak na presidentiable Rizalito David sa pagpapa-disqualify kay Grace.
Sa kagustuhang ‘di masama sa presidential race, kitang-kita ang fighting spirit ni David sa paghaharap sa isinampang DQ sa lady senator.
Dahil sa tindi ng paghahangad, baka naman daw may nag-uutos kaya ganon na lamang kung trabahuhin nito ang isinampang DQ.
Kung bakit may duda sa mga ikinikilos ni David, aba’y may ikinuwento sa Chokepoint ang mga supporter ni Sen. Grace.
Iisa lang daw ang abogado nila ni dating Sen. Francisco “Kit” Tatad, na dating mouthpiece ng diktadurang Marcos. Ganon!
Si Tatad nga pala ay nagsampa rin ng DQ kay Sen. Grace. Siya’y kilalang artikulado sa mga isyu na ‘di basta pumapasok na walang malinaw na dahilan.
Kaya marami ang nagtataka sa biglaan din nitong paghaharap ng DQ sa senadora.
Dahil ang usapin ay nabuyangyang na ng husto, ‘di maiiwasang magduda ang mga malilikot ang isip na baka pakawala ni Tatad si David.
Ang haka-hakang ganyan na malimit nang naririnig sa mga huntaan ay ‘di malabong mangyari dahil si David ay dati raw staff ni Tatad.
Kung tutuusin, sa ating palagay, eh, biktima rin ng sirkumstansya itong si David.
Pero kung may katotohanan nga na nagpapagamit, aba’y dapat din sigurong mag-isip-isip ang mama dahil sa bandang huli, siya rin ang kawawa.
Bukod kay Sen. Grace, sinampahan ni David ng DQ si Rody Duterte at ang tsismis, maimpluwensyang nilalang ang may kagagawan.
Sana nga lang, walang katotohanan ang mga haka-hakang nagpapagamit si David sa isinampang DQ kina Sen. Grace at Duterte. CHOKEPOINT/BONG PADUA
