ALAM kaya ni Pasay City Mayor Antonino Calixto na ang mga tauhan nito na nakatalaga sa Mayor’s Clean Team sa mga kalsada at bangketa sa lungsod ay pinagkikitaan nang malaki ng mga ito?
Masisiba ang mga tauhan ni mayor dahil ang bawat nagtitinda o vendor ay nagbabayad ng P250, P150 – P180 sa bawat puwesto.
Aba’y, malaki-laking pera ang kinikita riyan na kung ‘yan ay papasok sa ‘kabang yaman’ ng city hall, pandagdag na rin sa pasahod sa mga magwawalis sa at hindi pa made-delay ang kanilang mga sahod.
Ang masakit pa nito, halos lahat ng mga nagtitinda sa gilid ng kalsada at bangketa ay hindi mga residente ng Pasay dahil ang lahat ng nagtitinda rito ay pawang mga taga-Bambang sa Maynila.
‘Yung mga lehitimong residente ng Pasay na nagtitinda ng mga sapatos at iba pang lehitimong botante ni Mayor Calixto magkamisan ay hindi nakakapagtinda dahil ‘yung mga bangketa ay sinakop na nga ng mga abusadong taga-Bambang. Maski itanong pa ninyo kina Daryl, Tony, tiyak na alam nila ‘yan. Hehe.
Minsang napagawi ako sa kahabaan ng Taft Ave. sa Pasay City at mula sa bangketa, isang reporter ng isang tabloid ang nakikipagbangayan sa isang lalaki at narinig ko ang sinabi ng reporter sa nakabangayan nito “na hindi masamang maghanap-buhay, kaya lang dapat ay hindi ka makapeperwisyo sa ‘yong kapwa.”
Tama nga naman ang sinabi ng reporter. Ilang segundo lang ay gumanti naman ng sagot ang lalaking vendor na nakilalang Daryl sa nasabing reporter, “Bakit mo pagbabawalan ang pagtitinda namin sa kalsada, eh, hindi nga kami pinagbabawalan ni Mayor Calixto. Ikaw pa!”
Ano ba ito, mayor, mukhang may padrino itong ipinagmamalaki kaya kung makasagot sa isang reporter ay ganoon na lamang ang pagmamalaki nito!
Ang matindi pa niyan ay ‘yun pang reporter ang sinabihan ng ugok na Daryl na tumigil siya!
Aba, kaya pala malakas ang loob ng ugok na vendor na ito ay ipinagmamayabang nito ang isang dating barangay chairman sa nasabing lugar. Astig ang ulol na ito.
Malaking pera ang kinikita nito sa isang araw kaya pa-plesing-plesing lang ang ugok na ito. Pati tuloy ‘yong mga katropang vendor ng Bambang kung mag-aasta, akala mo mga lehitimong taga-Pasay ang mga ito.
Mayor Calixto, wala po ba kayong magagawa sa mga abusadong vendor na yan na residente naman ng Bambang?
***
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA