Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NGITNGIT NG MALAKANYANG KAY SENADOR ENRILE?

$
0
0

MUKHANG hindi mapagkatulog ang lider sa Malakanyang sapul nang hilingin ni Senate Minority Leader JUAN PONCE ENRILE ang reimbestigasyon ng PNP-SAF 44 Mamasapano massacre.

Noong unang putok ng balita, sabi ng Malakanyang, thru trumpet leader SONNY COLOMA na okay lang daw. Sumunod na araw, binago at sinabing adyendang pulitikal lang daw ito ni Senator ENRILE. May problema ba?

Ngayon, iba naman ang tirada ng mga attack dog ng Malakanyang. Tila may ngitngit dahil malisyoso na ang dating. Sabi ng ating kausap na sa Malakanyang din namamalagi, tumahol ang mga aso para ipagtanggol ang kanilang amo. Misyon: wasakin nang tuluyan si JPE!

Kaya naman may naglabas ng tsismis kaysa balita, blackmail lang daw ni Enrile sa Malakanyang ang reimbestigasyon para lang daw mapalaya ang dati niyang Chief-of-Staff na si Atty. GIGI REYES?

Sa katunayan daw, ilang beses nakipagpulong ng lihim ang senador sa taga-Malakanyang na nag-alok daw na hindi na niya itutuloy ang reimbestigayson kung papayagan na makapagpiyansa si Atty. Reyes.

Pakiulit nga ninyo riyan sa Malakanyang?

Kung tayo ang nasa sapatos ng taga-Malakanyang, mas mabuti na manahimik sila kaysa gumawa ng mga mapanira at malisyosong balita.
Alam naman nang lahat na hindi kailanman nakikipag-usap si JPE sa sinomang tauhan ng rehimeng Aquino.

Sa halip na maresolba ang isyu ng Mamasapano massacre, kayo pa ang gumagawa ng gulo. Sa halip na malinaw, binubulabog ninyo. Ang usapin dito ay bubuksan muli ang pagdinig batay na rin sa hiling ng mga naulila ng 44 na biktima.

Sa nagdaang imbestigasyon ng Senado sa pangunguna ni Sen. Grace Poe, nakita ang mga tama at mali. Sa huli, sinabi ng komite ni Poe na may pananagutan pa rin si Don Benigno Simeon Aquino III!

Hindi makatutulong sa Malakanyang na maghari ang ngitngit kontra kay Senator Enrile. Mas makabubuting manahimik kayo at hintayin ang itinakdang araw na muling pagdinig ng Senado.

Maraming opisyal ng Pambansang Pulisya ang nasira sa nangyaring brutal na pagbistay ng mga tao ng MILF, BIFF at private armed groups.

Maraming nasaktan na sa halip bigyan ng pangunahing atensyon, paggalang at pakikidalahamhati sa minasaker na PNP-SAF 44, inuna ang mga walang kwentang gawain tulad ng pagbubukas ng planta ng sasakyan sa Sta. Rosa, Laguna at iba pa.

Hindi malulunasan ng NGITNGIT NG MALAKANYANG ang isyu ng PNP-SAF 44. Hindi ninyo ito matatakasan. Nakasulat na ito sa ating kasaysayan! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>