Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DUTERTE GOING TRAPO?

$
0
0

MATAAS ang pagkilala natin kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Matapang. Matatag. Magilas.

Hindi lingid sa lahat na marami ang hanga sa kanya. Katunayan, para siyang box office star ng pelikula kahit saan man magtungo para mangampanya. Maski social media, putok siya, lalo na sa mga OFW.

Si Duterte ang nakikitang lider na kayang baguhin ang bulok na sistemang pulitikal.

Siya rin ang nakikita na gigiba sa mga korap at kriminal. Sa mga sindikato ng droga, rapists, kindnap-for-ransom, bank robbers at iba pa. Marami ring propesyunal, mga kilalang personalidad na gusto ang postura ng lideratong Duterte.

Katunayan, isa na si Philippine STAR columnist CHIT PEDROSA at internationalist JOSE ALEJANDRINO ang ilan lang sa nagtutulak at naniniwala sa alkalde ng Davao City.

Si Pedrosa ng nagbabandila ng tunay na pagbabago sa lipunang Filipino ay kilala hindi lamang diyarista kundi isang matapang din na lumaban sa diktaduryang rehimen ni Ferdinand E. Marcos.

Pero teka muna. Ano ang nangyayari kay Duterte aka DIGONG? Sa mga nagdaang araw at linggo, pumapatol siya sa mga patutsada ni Liberal Party (LP) stalwart Mar Roxas.

Noong una, okay lang na salagin niya ang mga birada ni Roxas na umabot sa hamunan ng sampalan at suntukan. Ngayon, barilan na?

I hate to say this but DUTERTE is becoming like a traditional politician (TRAPO) with his latest tirade against Roxas. Nawawala ‘yung amor niya ng pagiging isang tunay na lider.

Dapat ay kumilos ang mga tagapayo ni Digong. Taktika lang ng kampo ni Mar ang mga birada sa kanya para maipakita na malupit na tao si Duterte.

Dapat ninyong makita iyan. Para sa ating panukat, kinakagat ni Mayor Rody ang “pain ng mga operatiba” hindi lang ni Mar kundi ng LP mismo.

Gusto ng partido ni Mar na pikunin, galitin si Duterte para madismaya sa kanya ang mamamayan. Marami na ang nakapupuna at medyo naiirita sa ipinakikitang asal-pagkagat niya sa mga pain ng kalaban.

Mas makabubuti na ang “mala-siga” na katauhan ni Duterte na tanggap na ng taumbayan at magpakita naman siya ng kanyang plataporma niya.

Ano ba ang mga inilatag niyang programa sa pamumuno. Mayroon ba siyang plano ng bawat programa sa pagpapangat ng buhay ng sambayanan at bayan?

Tatlong buwan na lang ay eleksyon na. Kailangan magbigay ng kongkretong plataporma si Duterte.

Itigil niya, pigilan niya ang kanyang sarili sa pagpatol kay Mar Roxas. Otherwise, people might think you are nothing but a normal politician.

A TRAPO! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>